Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Keempee-Manilyn throwback

Keempee-Manilyn throwback

manilyn reynes

THROWBACK moment sina Keempee de Leon at Manilyn Reynes noong presscon ng “Once Upon a Kiss (OUAK).” Years ago pa sila huling nagkatrabaho at reunited sila sa bagong primetime series ng GMA7 headed by Kapuso Network’s youngest love team, Miguel Tanfelix and Bianca Umali.

Keempee and Manilyn play husband and wife at anak nila si Bianca.

Dapat sana’y magkasama sina Kimpoy at Mane sa “My BFF” with Janno Gibbs. Nag-back out si Kimpoy dahil may ilang bagay-bagay na hindi napagkasunduan ang kanyang kampo at ang GMA management.

Itinanggi ni Kimpoy ang intrigang ayaw lang niyang makatrabaho si Janno, kaya nag-back out siya sa project. Parehong ex-boyfriends ni Mane sina Janno at Kimpoy, kaya nagkatuksuhan noong presscon ng OUAK. Nauna si Janno, sumunod si Kimpoy na naging BF ni Mane.

Keempee De Leon

Away-bati
Four months lang ang naging relasyon nina Kimpoy at Mane dahil anila, masyado pa silang bata noon (nasa “That’s Entertainment” sila) at away-bati sila. After Kimpoy, si Aljon Jimenez ang nakarelasyon ni Mane at sila ang nagkatuluyan bilang mag-asawa.

Tatlo na ang anak nila, all boys aged 18, 12 and 3. Isa lang ang anak ni Kimpoy sa isang non-showbiz girl. Hindi kasal si Kimpoy at ang mother ng anak nilang si Samantha na 18 years old na ngayon.

Joke ng isang reporter, ipakilala nila sa isa’t isa ang panganay na lalaki ni Mane sa dalaga ni Kimpoy. “Kung hindi kayo ang nagkatuluyan, baka ang mga anak n’yo (laughs),” joke pa ng reporter. Napangiti na lang sina Kimpoy at Mane. Ano nga kaya kung maging future mag-balae ang former sweethearts? Pangunahan ba?

Ang older sister ni Kimpoy na si Cheenee ay apat na ang anak, ayon sa una. Twenty-one years old na ang panganay. Close rin ang anak niyang si Sam sa kanyang Lolo Joey de Leon (Kimpo’y dad) at naisasama rin ito kapag nagta-travel abroad ang kanilang pamilya.

Sa Singapore magpa-Pasko ang De Leon family, pero hindi nila kasama si Sam, ayon kay Keempee. Nasa US ito with her mom. After New Year ang balik ni Sam sa Pilipinas.

Secret gifts
Ayaw sabihin ni Miguel Tanfelix kung ano’ng Christmas gift niya kay Bianca Umali. Secret daw at baka mabasa ni Bianca. “Basta paborito niya at magagamit niya,” sabi ni Miguel sa presscon ng “Once Upon a Kiss.”

Parehong wristwatch naman ang regalo ni Miguel sa kanyang daddy at mommy. Skateboard sa kanyang brother. Wish naman ni Miguel na may magregalo sa kanya ng asong brown Labrador. Nagbabasa ka ba, Bianca Umali? Sabi sa amin ng bagets, may gift na siya for Miguel. Secret din. Mag-secretan ba ang mga bagets?

In any case, kilig-kiligan ang kissing scene nina Miguel at Bianca sa trailer ng OUAK. Maraming kaaliw na eksena na makaka-relate ang mga teen viewer. Mapapanood ito simula sa Jan. 5 pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA7.

Tampok din sa OUAK sina Michael de Mesa, Mylene Dizon, Tessie Tomas, Al Tantay, Nova Villa, Cris Villanueva,Gabby Eigenmann, Betong Sumaya, Cai Cortez at ang mga teenstar na sina Sabrina Man, Eunice Lagusad, Miggy Jimenez, Mariel Pamintuan. Sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

comments