Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Bimby binuko si Vice

Bimby binuko si Vice

Coco Martin and Bimby Yap

TACTLESS din si Bimby Yap tulad ng kanyang mama Kris Aquino. Ibinuking ng bagets sa “The Buzz” na Kevin ang name ng boyfriend ni Vice Ganda.

Basketbolista rin kaya ’yun? From what we heard, merong Kevin Alas ng Talk ’n Text team sa PBA. Siya kaya ang bagong papa ni Vice?

Nakakaintriga naman ang panawagan ni Vice kay James Yap. May kinalaman kaya ’yun sa mga eksena ni Bimby sa “The Amazing Praybeyt Benjamin?” Waring may pag-aalala si Vice na meron silang hindi ipinagpaalam sa papa ni Bimby. Sabi raw kasi ni Kris na siya na ang bahala kay James.

Nanay na nanay naman si Kristeta na sinabi on air na una nilang panonoorin nina Vice ang “The Amazing Praybeyt Benjamin” at pagkatapos ay ang “Feng Shui.” Mas excited siya na una munang panoorin ito kesa sa movie niya with Coco Martin.

Okey kay Kris na mag-Number One ang “The Amazing Praybeyt Benjamin” sa 2014 Metro Manila Film Festival at pumangalawa lang ang “Feng Shui.” Bukas na ang opening ng MMFF entries at magkakaalaman na sa mga susunod na araw kung alin sa walong festival entries ang hahataw at mangungulelat sa takilya. Sa Dec. 27 ang Awards Night.

Bawal magkalat, bawal mahiga
Grabe ang mala-mansion o hotel-resort na bahay ni Coco Martin sa East Fairview, QC. Kung hindi kay Kris Aquino na hindi lang siguro niya matanggihan since katrabaho niya ito sa “Feng Shui,” malamang hindi pumayag si Coco na ipakita ’yun on national TV. Kris Aquino is Kris Aquino, kaya no choice si Coco. Gano’n kaya ’yun?

Hindi lang pumayag si Coco ipakita ang mga miyembro ng kanyang pamilya, kahit ang pinakamamahal niyang lola na nagpalaki sa kanya. Waley ang mga ito na sabi nga ni Kris, “pinaalis” muna ni Coco dahil darating siya (Kris).

Picture lang nilang mag-lola ang ipinakita ni Coco na nakalagay sa bedroom ng kanyang lola. Super hanga si Kris sa ipinasadyang queen size bed ng lola ni Coco.

Bawal magkalat sa bahay ng aktor. Bawal ding mahiga sa sofa sa sala ng bahay na mistulang lobby ng isang mini-hotel. Bonggacious ang mga gamit at dekorasyon na halatang mamahalin. May mga alaga ring ibon si Coco na ipinagpagawa niya ng kulungan.

Ani Coco, pinag-ipunan niya talaga ang pagpapagawa sa kanyang bahay. Three years in the making ’yun. Una muna niyang binili ang 800 square meter lot noong 2010. Sinimulan ang construction ng house in 2011 at natapos ngayong 2014.

Kapuri-puri at kahangahanga ang pagsisikap ni Coco sa trabaho, maibigay lang sa kanyang pamilya ang masaganang pamumuhay. Ano pa kaya kung magkaroon siya ng sariling pamilya? Kailan kaya ’yun mangyayari?

Nagpakatanga
Kilig-kiligan si Vina Morales noong nag-guest sila ni Robin Padilla sa “The Buzz.” Ewan lang kung para sa promotion ’yun ng “Bonifacio: Ang Unang Pangulo.”

Nang sabihan siya ni Robin na sana’y makatagpo siya ng lalaking mamahalin na hindi tulad niya. “Oo, nagpakatanga ako sa ’yo noon,” kilig-kiligang sabi ni Vina.

Kilig much din ang singer-actress noong nag-guest sila ni Robin sa “It’s Showtime.” Kumanta pa si Robin. Mahusay sumakay si Robin sa pa-kilig effect nila ni Vina para sa promotion ng kanilang movie.

Sana, makatulong ’yun para marami ang manood ng “Bonifacio: Ang Unang Pangulo.” Mukha namang interesting panoorin ang pelikula dahil sabi nga ni Robin, hangarin nito na ilahad ang katotohanan sa buhay at pag-ibig ni Andres Bonifacio.

comments