Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ara, Mayor P., kailan ang kasal?

Ara, Mayor P., kailan ang kasal?

ARA Mina

MERRY Christmas to everybody bago kami makipagtsikahan sa aming readers. Nawa’y merry to the fullest ang inyong Pasko kasama ang mga mahal n’yo sa buhay.

Wala pa ring label
First time ni KC Concepcion magpa-Christmas party for the press cum thanksgiving para sa suporta ng mga ito since nag-showbiz siya six years ago. Aniya, two years ago pa niya gustong magpa-get-together, but for some reasons, naudlot.

KC Concepcion

In any case, bumawi naman si KC at pinasaya niya ang mga dumalong press people, dahil bukod sa nagpa-raffle siya, may individual gift pa siya. Everybody happy at walang umuwing “luhaan.” Ani KC, yearly ay gagawin na niya ang get-together with the press.

Tungkol sa estado ng relasyon nila ni Paulo Avelino, wala pa rin daw label dahil, ayon kay KC, magkaiba sila ng priorities. Basta, enjoy lang muna sila sa company ng isa’t isa.

Pamilya na sila
For sure, happiest Christmas ito nina Ara Mina at Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses dahil may baby na sila, si Amanda Gabrielle o Mandy for short. First Christmas nila ito na isa na silang pamilya.

Sa isang interbyu, sinabi ni Ara na sobrang happiness ang nararamdaman niya ngayong isa na siyang ganap na ina. Aniya pa, malaki na ang mababago sa buhay niya sa pagdating ni Mandy. Priority na niya ang kanyang baby.

Hindi naman maipaliwanag ni Mayor Patrick ang kaligayahang nararamdaman niya ngayong tatay na siya. Sa ipinost niyang picture nila ni Baby Mandy, kita ang happiness ng brand-new dad. Kailan naman kaya ang kasal nina Mayor Patrick at Ara para maging legal na ang kanilang pagsasama?

KARYLLE

Ayaw pang magka-baby
March this year ikinasal sina Karylle at Yael Yuson. Kung sana’y kinarir nila na magka-baby agad at kung nagbuntis si Karylle noong April, may baby na rin sana sila ngayong December. First Christmas nina Yael at Karylle bilang mag-asawa.

Sa interbyu kay Karylle, sinabi niyang hindi nila priority ni Yael ang magka-baby agad. Gusto muna nilang i-enjoy ang isa’t isa. Besides, marami pa raw silang gustong gawin para sa kanilang respective careers.

Sa Dec. 30 na ang kasal ng ex-boyfriend ni Karylle na si Dingdong Dantes kay Marian Rivera. Kabaligtaran ni Karylle, gusto naman ni Marian mabuntis agad at bigyan ng maraming anak si Dingdong.

Samantala, kasama si Yael sa “Shake, Rattle & Roll XV” na entry sa ongoing Metro Manila Film Festival. Nasa “Flight 666” episode siya with Lovi Poe, Matteo Guidicelli and Daniel Matsunaga.

Si Dingdong naman ay mapapanood sa “Kubot: The Aswang Chronicles” with Isabelle Daza, Lotlot de Leon, Joey Marquez, among others. Masungkit kaya ng Kapuso Primetime King ang best actor award sa MMFF?

***
Mamaya sa “Yagit,” nalaman na ni Dolores na nawawala si Elisa. Hindi niya ito ipinaalam kay Victor. Nagselos si Izel sa atensiyong ibinibigay kay Elisa.

Nakiusap si TomTom na palayain na lang siya, tutal ’andun na si Elisa at ito talaga ang kailangan nila. Pagbigyan kaya si TomTom? Tutok lang sa mga kaganapan sa “Yagit” sa GMA Afternoon Prime.

comments