Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jennylyn: New house, new business but no lovelife

Jennylyn: New house, new business but no lovelife

Jennylyn Mercado

MAGANDA ang pasok ng 2015 kay Jennylyn Mercado. Nanalo siyang Best Actress sa Metro Manila Film Festival for her performance in “English Only, Please.” May bago siyang teleserye na mapapanood simula sa Jan. 12, ang “Second Chances.” Kasama niya rito sina Raymart Santiago, Luis Alandy, Camille Prats, Rafael Rosell, among others.

I-pursue na kaya ni Luis ang panliligaw kay Jen ngayong magkasama sila sa isang project? Vocal noon si Luis na may special feelings siya kay Jen. Tingnan nga natin kung magkakaroon sila ng mutual feelings sa isa’t isa.

May bagong bahay si Jennylyn na mas malaki kesa sa dati niyang house. May negosyo rin siyang bubuksan ngayong 2015. Naging maganda ang 2014 kay Jen at wish niyang magpatuloy pa ito ngayong 2015. Kasama kaya sa wish niya ang magkaroon na ng lovelife?

aiza seguerra

Suntok sa buwan
Tulad ng hiling ni mommy Caring kay Aiza Seguerra na bigyan siya nito ng apo, ’yun din ang hiling ni mommy Raquel kay Charice Pempengco. Parang suntok sa buwan ang kahilingan ng dalawang mommy sa kanilang mga anak na parehong tibuli (as in tomboy).

Nagpakasal na sina Aiza at Lisa Dino sa United States at magkakaroon sila ng symbolic ceremony dito sa Pilipinas. This Jan. 8 ’yun magaganap. Abang-abang na lang.

CHARICE Pempengco

Si Charice at ang live-in girlfriend niyang si Alyssa Quijano ay wala pang balak magpakasal. Ayon kay Charice, kapag naramdaman nilang gusto na nila, go!

Ang inaabangan ng madlang pipol ay kung kailan naman kaya magkakaroon ng announcement si BB Gandanghari na may boyfriend na siya at magpapakasal na rin sila. Handa na kaya si Robin Padilla harapin ang kanyang future brother-in-law, if ever?

Excited
Hindi pa man nagsisimula ang shooting ng pelikulang pagsasamahan nina Governor Vilma Santos at Angel Locsin, kinakabog na sa nerbiyos ang future daughter-in-law ni Gov. Vi. Intended for Mother’s Day ang yet untitled movie na gagawin nina Gov. Vi at Angel.

Sa isang panayam sa Star for All Seasons, sinabi niyang something new for her ang karakter na gagampanan niya. Looking forward siyang mag-shoot na sila ni Angel. Excited na siyang makatrabaho ang kanyang future daughter-in-law.

May cameo appearance sina Angel at Luis Manzano sa “The Amazing Praybeyt Benjamin” na gumanap bilang mga magulang ni Vice Ganda. May magic kasing ginawa si Al Tantay na siyang tunay na ama ni Vice sa naturang pelikula. Sweet-sweetan sina Angel at Luis sa split seconds nilang appearance sa TAPB at na-cute-an kami.

Sayang at tinanggihan ni Luis na makasama sina Angel at Gov. sa pelikulang gagawin sana nilang tatlo sa Mother’s Day offering ng Star Cinema. Respeto na lang daw sa relasyon nila ni Angel na ayaw niyang mapaglaruan ito sa promotion ng movie.

Inaabangan din ang movie version ng “Darna” na pagbibidahan ni Angel. Matatandaang unang ginampanan ito ni Angel sa primetime fantaserye ng GMA7 na naging daan para bumongga nang todo ang kanyang career at maging Reyna siya ng Kapuso Network.

comments