Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Alex binuko si Toni

Alex binuko si Toni

TONI Gonzaga

MUKHANG nangangamoy kasalan ngayong 2015 kina Toni Gonzaga at direk Paul Soriano. Nagbibilin na kasi si Toni sa younger sister niyang si Alex ng mga dapat nitong gawin kapag umalis na siya sa bahay nila. Sinabihan ni Toni si Alex na mag-mature na ito at maging responsible na.

’Kaaliw ang pambubuking ni Alex sa kanyang Ate Toni nang sorpresahin ito ni direk Paul sa bahay nila. Ipinatong nito sa table ang isang box. “This is it!” bulalas daw ni Toni. Nag-expect pa raw si Toni na luluhod si direk Paul at magpo-propose na ito ng marriage. “Aminin mo!” sabi pa ni Alex kay Toni na speechless sa pambubuking ng kapatid.

Magbe-birthday si Toni ngayong January at abang-abang na lang kung may magaganap nang marriage proposal si direk Paul. ’Yun lang naman ang pinakahihintay ni Toni dahil handang-handa na siyang magpakasal sa kanyang long-time boyfriend.

Heart Evangelista copy

Kasalang 2015

Tapos na ang kasal ng “Royal Couple” na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Inaabangan naman ang kasal nina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista on Feb. 15 sa Balesin Island, Quezon.
Kung walang celebrity couple na magpapakasal ngayong January, sina Sen. Chiz at Heart ang magbu-buena mano sa mga ikakasal ngayong taong ito.

Sa March ang kasal ni Patrick Garcia sa non-showbiz partner niyang si Nikki Martinez. Sa May naman ang garden wedding nina John Prats at Isabel Oli sa farm ng mga Prats sa Balete, Batangas.

Engaged to be married na rin si Yeng Constantino sa non-showbiz boyfriend niya, gayun din si Solenn Heussaff kay Nico Bolzico. Kailan naman kaya sina Anne Curtis at Erwan Heussaff?

What about Luis Manzano and Angel Locsin? John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban?

Peg?

Sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez at Michelle Van Eimeren kaya ang peg nina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado? Tulad ni Ogie na ex-wife niya si Michelle at si Regine ang present wife niya, ganoon din ang sitwasyon ni Patrick.

Hindi nga lang niya naging asawa si Jennylyn, pero may anak naman sila, si Alex Jazz. Magpapakasal pa lang si Patrick sa non-showbiz partner niyang si Nikki Martinez, pero may baby girl na sila named Chelsea.

Magkasundo sina Alex Jazz at Chelsea, gayun din sina Jen at Nikki. Parang sina Regine at Michelle. Gayun din ang anak nina Regine at Ogie na si Nate at sina Leila at Sarah, mga anak naman ni Ogie kay Michelle. Para silang one big happy family kapag magkakasama.
Gayun din sina Patrick, Jen at Nikki and their kids. May bonding moments din sila. Nag-post pa si Jen sa kanyang Instagram account ng group picture nila.

Wish lang namin, matagpuan na ni Jen si Mr. Right na pakakasalan niya. Si Michelle, may Mark Murrow nang ipinalit kay Ogie.

comments