Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Xian, tinanggal sa ‘Bridges,’ hindi maka-deliver

Xian, tinanggal sa ‘Bridges,’ hindi maka-deliver

Miguel Tanfelix at Bianca Umali

BAKIT kaya panay ang “Ehem!” ni German Moreno noong kausap namin si Miguel Tanfelix sa presscon ng “Once Upon a Kiss?” Nag-make face rin si Kuya Germs nang tanungin namin si Barbie Forteza kay Miguel.

Todo tanggi ang bagets sa tsikang may “something” sila ni Barbie. Kesyo special friends lang sila ni Barbie. Nang sabihin namin kay Kuya Germs na parang may alam siya tungkol kina Miguel at Barbie, deadma lang siya. No talk si Master Showman.

Si Bianca Umali ang kapareha ni Miguel sa “Once Upon a Kiss,” pero si Barbie ang kinukulit sa kanya ng press. May iba kasing “naaamoy” ang press.

Si Julian Trono naman ang itinatanong kay Bianca. Friends lang sila, ang press release ng huli. Ang mga bagets talaga! Anyway, mamaya na ang pilot telecast ng “Once Upon a Kiss” sa GMA Telebabad.

GERMAN Moreno

Nagtatampo pa rin

Hanggang ngayon, malaki pa rin ang tampo ni German Moreno sa isang dating executive ng GMA. Lumipat na ito sa isang TV network. Ayon kay Kuya Germs, kung hindi raw sana nakialam at nagmarunong ang naturang executive, hindi raw sana natsugi sa ere ang “That’s Entertainment.”

Kahit namamayagpag noon ang naturang youth-oriented program sa GMA, kinansela ito sa ere. Marami ang nalungkot, pero no choice si Kuya Germs dahil management decision ’yun.
Throwback lang tayo. Ang saya-saya noon sa Broadway Centrum kung saan live napapanood ang “That’s Entertainment” mula Lunes hanggang Sabado. Pabonggahan sa production numbers every Saturday. Sa Araneta Coliseum naman ginaganap ang anniversary celebration ng programa. Those were the days.

Maraming pinasikat na artista ang “That’s Entertainment” na ipinagmamalaki ni Kuya Germs. Hanggang ngayon, aktibo pa rin sa showbiz ang karamihan sa mga ito.

Marami ang nagwi-wish na sana’y ibalik sa ere ang “That’s Entertainment” para mas marami pang matulungan si Kuya Germs. Iba raw kasi ang training ng Master Showman sa sarili niyang pamamaraan.

XIAN Lim

Natsugi?

How true kaya ang tsikang diumano’y naka-32 takes si Xian Lim sa isang eksena niya sa “Bridges,” kaya muntik na raw ma-high blood ang direktor? Diumano pa rin, tsinugi na si Xian sa naturang teleserye ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Maja Salvador.

Originally intended kay John Lloyd Cruz ang role ni Xian. Pero tinanggihan ’yun ni JLC, kaya si Xian ang ipinalit sa kanya. Hindi diumano maka-deliver si Xian, kaya out na siya sa naturang teleserye. Sino naman kaya ang kapalit niya?

Ang layo naman kasi ng kalibre sa acting nina John Lloyd at Xian. Dapat, isang ka-level ni JLC sa aktingan ang ipinalit sa kanya para makasabay rin kay Jericho Rosales. Given na ang pagiging mahusay na aktor ni Rosales.

And how true naman ang tsikang diumano’y isasama si Xian sa gagawing pelikula nina Gov. Vilma Santos at Angel Locsin? Makailang take naman kaya si Xian, lalo na’t si Gov. Vilma ang kanyang ka-eksena? This month na raw uumpisahan ang shooting ng movie na Mother’s Day offering ng Star Cinema. Si Rory Quintos ang direktor.

comments