Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Lee O’Brien finds Pokwang attractive

Lee O’Brien finds Pokwang attractive

Pokwang and O' Brien

SANA hindi pang-promo lang ng kanilang pelikulang “Edsa Woolworth” ang mga ipinahayag ng American actor na si Lee O’Brien tungkol kay Pokwang na leading lady niya sa naturang movie. Sabi kasi ni Lee sa presscon, malaki ang posibilidad na mag-asawa siya ng isang Filipina.

Gorgeous ang description niya kay Pokwang at malakas daw ang attraction nito sa kanya. Wow, ha! Haba ng hair ni Pokwang.

Sabi pa ni Lee sa mga kausap na entertainment press, may chemistry sila ni Pokwang and they get along well as friends. May mutual respect sila sa kanilang profession at gusto niya ang pagiging compassionate at light-hearted ng komedyana.

Ayaw namang mag-assume ni Pokwang kung ano talaga ang intensiyon sa kanya ni Lee. Basta aniya, masaya siya sa kanilang friendship at kung saan man hahantong ’yun, let it be na lang. Both claim na single sila. Lee is 39 years old, ewan lang kung ilang taon na si Pokwang.

Opening salvo ngayong 2015 ng Star Cinema ang “Edsa Woolworth” at ani Pokwang, medyo kabado siya. Magaganda ang reviews nito nang unang ipalabas ito sa America at Canada in November last year.

Wish lang ni Pokwang na tangkilikin din ito at wala siyang mababasang pang-ookray sa pelikula kapag ipinalabas na ito sa mga sinehan sa ating bansa simula sa January 14. May premiere night ito on Tuesday (Jan. 13) sa SM Cinema 7.

Not true

Itinanggi ni Rafael Rosell ang tsikang break na sila ng non-showbiz girlfriend niyang si Olivia Medina. Sila pa rin, ani Rafael sa mga kausap na entertainment writers noong presscon ng “Second Chances.” Going strong ang kanilang relasyon, he stressed. First anniversary nila last November (2014).

Pero anang Kapuso actor, wala pa silang planong magpakasal at priority niya ngayong 2015 ang kanyang career. Marami pa siyang gustong gawin at kailangang paghandaan niya, sakaling magdesisyon siyang magpakasal na sila ng kanyang GF.

Ani Rafael, gusto niyang magkaroon muna ng sariling bahay bago siya mag-asawa. Inuna muna niyang bigyan ng bahay somewhere in Antipolo ang kanyang parents. Malawak ang garden nila na natataniman ng sari-saring gulay. Vegetarian kasi si Rafael.

Samantala, busy-bisihan ang Kapuso actor sa bago niyang project sa GMA7, ang “Second Chances,” kung saan isang lawyer ang role niya. Bukas na ang pilot telecast nito pagkatapos ng “Once Upon a Kiss” sa GMA Telebabad.

Break na naman?

Break na naman ba sina Jake Vargas at Bea Binene? On-and-off ang kanilang relasyon. May mga nababasa kaming posts sa Instagram na waring nagpapahiwatig si Jake na break na naman sila ni Bea.

Hindi kaya bahagi lang ito ng promotion ng kanilang movie, “Liwanag sa Dilim?” Malapit na itong ipalabas sa mga sinehan, kaya hindi maiwasang isiping gimmick lang ang tsikang diumano’y break na o nagkakalabuan sina Jake at Bea.

Curious lang kami kung nakadalaw na kaya si Jake kay German Moreno? Ito ang tumatayong manager cum tatay-tatayan ni Jake.

Getting better ang kalagayan ni Kuya Germs at hopefully soon ay makakalabas na siya ng hospital (St. Luke’s sa E. Rodriguez, QC). Ipinapaayos pa ng anak niyang si Federico ang magiging kuwarto ni Kuya Germs pag-uwi niya sa kanyang bahay. Nasa itaas kasi ang kuwarto ni Kuya Germs at gusto ni Federico na sa ibaba na lang ang maging kuwarto ng kanyang Papa Germs.

comments