Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Young love teams may special ties

Young love teams may special ties

Miguel Tanfelix at Bianca Umalimiguel

GETTING closer sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. May kasabihang familiarity breeds contempt, kaya naman may mga nag-a-assume na posibleng magkadebelopan ang youngest Kapuso love team.

Halos araw-araw ay nagkikita ang dalawang bagets sa taping ng dalawang TV shows nila sa GMA, ang “Once Upon a Kiss” at “Ismol Family.” Sila rin ang parating magkasama sa mga out-of-town show ng Kapuso Network.

Nitong nakaraang Pasko ay nasa bahay nina Miguel si Bianca. Noong Bagong Taon naman ay nasa bahay nina Bianca si Miguel. Magkasama sila noong New Year Countdown at pagkatapos nu’n ay tumuloy sila sa bahay nina Bianca.

May regalo rin sila para sa isa’t isa. Relo ang gift ni Bianca kay Miguel. Sketch set naman ang ibinigay ni Miguel sa kanyang ka-love team.

Kilig-kiligan ang fans and supporters nina Miguel at Bianca sa panonood ng “Once Upon a Kiss.” Cute ang asaran nila sa isa’t isa at swak na swak ang kanilang karakters. Ang lakas ng kanilang screen chemistry.

Special friends

Special friends ang label ni Ruru Madrid sa namamagitan sa kanila ni Gabbi Garcia. Isa pa ring dapat abangan at i-push ng GMA ang young love team na ito. Huli silang napanood sa “My Destiny.”

Last December ay nagpunta si Ruru sa Singapore. Dumalo siya sa Singapore International Film Festival kung saan nominated siya for Best Actor para sa indie movie na “Above the Clouds.” Unfortunately, hindi siya nanalo.

Ani Ruru, more than happy na rin siya sa nakuha niyang nomination. Isang karangalan na rin ’yun para sa kanya, anang Kapuso teen star.

Bumili siya ng kuwintas sa Singapore bilang pasalubong kay Gabbi. Kaya lang, naiwala ito ni Gabbi. Ibinili uli niya ito ng kuwintas, pero naiwala na naman ’yun ni Gabbi.

“Binigyan ko uli siya at ’yung kuwintas ko na kapareho ng ibinigay ko sa kanya ang ibinigay ko. Pinapikit ko pa siya bago ko ibigay. Nawala na naman,” natatawang kuwento ni Ruru.

Hindi kaya sadyang iniwala ’yun ni Gabbi dahil ayaw niya ng kuwintas? Hindi kaya bracelet o singsing ang gusto ni Gabbi? O, hindi kaya talagang ginud-time lang siya nito?

In return, binigyan naman siya ni Gabbi ng t-shirt at rubber shoes, ayon kay Ruru. Tanong lang ng kanilang fans, kailan daw ba mapapanood na muling magkasama sa isang teleserye sina Ruru at Gabbi? Paging GMA!

New Year’s resolution

New Year’s resolution ni Diva Montelaba ngayong 2015 na mag-focus nang mabuti sa kanyang career. Last year daw kasi, kalat-kalat ang pag-iisip niya sa rami ng gusto niyang gawin. Naguluhan daw siya kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin.

Produkto si Diva ng “Starstruck” at five years na siya sa showbiz. Happy naman siya na hindi siya nawawalan ng project. After “Ang Dalawang Mrs. Real,” isinama siya sa “Second Chances” with Jennylyn Mercado, Raymart Santiago, Camille Prats, and Rafael Rosell, among others.

Supporting role ang binigay kay Diva na aniya’y okey lang. Pero nangangarap din siyang mabigyan ng lead role. “Naniniwala akong kanya-kanyang panahon lang ’yun. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na mabibigyan din ako ng pagkakataon sa tamang panahon,” ani Diva.

Kasama ba sa New Year’s resolution niya ang magka-oyfriend na? “Ay! Hindi. Ayoko muna,” ani Diva. Ex-boyfriend niya si Steven Silva na batchmate niya sa “Starstruck 5.”

comments