Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Mushy, Kukay tawagan nina Paulo at KC

Mushy, Kukay tawagan nina Paulo at KC

Pokwang and O' Brien

BILIB naman kami kay Pokwang na 15 years na palang single. Nakatiis siya nang ganoong katagal na walang lovelife. ‘Yung ibang celebrities na gaya niya, parang nagpapalit lang ng damit o sapatos kung makipag-boyfriend. At ipinangangalandakan pa kapag may bagong karelasyon.

Ang teenage daughter niyang si Ria Mae ang dahilan kung bakit ayaw ni Pokwang magseryoso sa pakikipag-relasyon. May mga lalaking na-link sa kanya (foreigners), pero hindi nagtagal. Waley agad. Ayon kay Pokwang, may usapan sila ng kanyang daughter na after two years ay puwede na siyang makipag-relasyon. Japanese ang father ng anak ni Pokwang. Baka foreigner na naman ang makarelasyon ng komedyana.

Mukhang “tinamaan” ang American actor na si Lee O’Brian sa “beauty” ni Pokwang na willing daw mag-stay sa Pilipinas kung pipigilan siya ni Pokwang na huwag nang bumalik sa America. Kilig-kiligan naman si Pokwang.

Tingnan natin kung makakatulong sa box-office returns ng “Edsa Woolworth” ang pakilig effect na ito nina Lee at Pokwang. Showing today sa mga sinehan ng naturang movie.

KC Concepcion and Paulo Avelino

Sila na nga

Mushy at Kukay ang terms of endearment nina Paulo Avelino at KC Concepcion . Sinabi nila ito sa “Gandang Gabi Vice” noong Linggo (Jan. 11).

Nang diretsong tanungin sila ni Vice kung “sila” na ba, hindi sila agad nakasagot.

“Ang dali namang sabihin ng ‘hindi’ kung talagang hindi pa kayo, di ba?” words to that effect na sabi ni Vice prompting him to say na, “Sila na nga. Ayaw lang aminin. Nahihiya,” kilig-kiligang sabi pa ni Vice.

Inamin ni Paulo na nag-“I love you” na siya kay KC. Sabi naman ni KC, sinabihan niya ng “Wabyu” si Paulo. I love you rin kaya ang ibig sabihin nu’n? As if naman, hindi namin na-getz.

Kakilig ‘yung palitan nila ng mga salita nang tanungin ni KC si Paulo ng, “Inaangkin mo ‘ko?” na sinagot naman ni Paulo ng “Gusto mong magpaangkin sa akin?”

Reading between the lines, mukha talagang may something special na namamagitan between them.

Parang mahirap paniwalaan ang sinabi ni KC noong Christmas party cum thanksgiving niya sa movie press na wala pang label kung anuman ang namamagitang relasyon sa kanila ni Paulo. Waley pa nga ba, kahit sobrang pareho silang nag-effort ng Christmas gifts nila sa isa’t isa?

Inigo Pascual

Special friends

Walang materyal na bagay na regalo si Inigo Pascual sa kanyang papa Piolo Pascual noong nakaraang birthday nito (Jan. 12). Ani Inigo, hindi kailangan ng kanyang papa ang ganoong klaseng gift. Nagbonding lang ang mag-ama sa Batangas.

Nilinaw naman ni Inigo na hindi niya pinagsabay pormahan o ligawan sina Sofia Andres at Julia Barretto. Hindi niya priority ngayon ang manligaw at career muna ang focus niya, ayon sa isang panayam kay Inigo.

Special friends sila ni Sofia na nakapareha niya sa “Relaks, It’s Just Pag-ibig.” Nag-usap daw sila na mag-focus muna sila sa kanilang respective careers. Magkaiba sila ng projects na ginagawa ngayon, pero hindi raw ibig sabihin noo’y maaapektuhan ang kanilang special friendship.

comments