Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Alden London-bound for int’l filmfest

Alden London-bound for int’l filmfest

ALDEN Richards

PAALIS si Alden Richards on Jan. 24 papuntang London para dumalo sa isang international film festival. Kasali ang indie movie na “Kinabukasan” na
ginawa niya with Nora Aunor.

One week siya roon, ani Alden nang nakausap namin sa press presentation ng Boardwalk para sa bagong celebrity endorsers nito. Kabilang rito ang ibang Kapuso stars na sina Rich Asuncion, Mike Tan, Janine Gutierrez, Thea Tolentino, Jeric Gonzales, Juancho Trivinio, Kim Rodriguez at Sam Pinto.

Excited ding ibinalita ni Alden na sa June this year ay lilipat na siya sa bagong bahay niya sa isang exclusive subdivision sa Nuvali, malapit sa Tagaytay City. Two-storey house ’yun with five bedrooms.

Three hundred square-meter lot ang kinatatayuan ng nabili niyang bahay na ipina-renovate niya, ayon kay Alden.

Kasama niyang titira roon ang kanyang daddy, dalawang kapatid, lola (father’s side) at dalawang maid. ’Yung bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna ay ipapaayos din ni Alden dahil nasira noong bahain ng bagyong Yolanda. Baka raw paupahan na lang niya ’yun.

Ayaw ’yon ipagbili ni Alden dahil may sentimental value sa kanya. Sa bahay na ’yun siya lumaki with his mom who passed away a few years ago bago siya nag-artista.

Wala pang bagong project si Alden sa GMA7 matapos siyang mapanood sa “Bet ng Bayan” at “Ilustrado.” Given a chance, gusto niya ng gay role o kaya’y isang assassin.

New shows
Sampung bagong programa ang hatid ng TV5 ngayong 2015. Nagkaroon ng bonggang launching na ginanap sa Sampaguita Gardens Events Place na dinaluhan ng mga Kapatid executives at ng mga artistang may kani-kanilang shows.

Sa Lunes (Jan. 19) ang simula ng “Healing Galing sa TV,” hosted by Dr. Hayden Kho and Dra. Edrinell Calvario. Daily ito (Monday to Friday) at 10 a.m. Magse-share sila ng health tips at payo sa alternative at Western medicine approaches. Susundan ito ng “Happy Wife Happy Life” at 10:30 a.m. Tampok ang mga asawa ng basketball players. Sina LJ Moreno, wife of Jimmy Alapag, Danica Sotto, wife of Marc Pingris, Jack Maierhofer, wife of Rico Maierhofer at RR Enriquez, girlfriend of JJ Helterbrand.

Kasunod nito ang “Solved na Solved” at 11:30 am., hosted by Gelli de Belen, Atty. Mel Sta. Maria and Arnell Ignacio. Tatalakayin ang mga isyu sa aspetong legal at problema sa buhay.

Simula rin sa Jan. 19, ipapalabas ang bagong season ng “Wattpad Presents” weeknights at 9 p.m. Sa pilot episode titled “Trip in Love or Fall in Love,” tampok sina Eula Caballero at Bret Jackson. Sa Jan. 20 naman ang simula ng Australian hit show na “Hi-5” at 8:30 a.m. Watch out sa mga bagong programa ng Kapatid Network and be happy.

comments