Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Wanted: BF for Rich

Wanted: BF for Rich

Rich Asuncion

KINAKITAAN ng chemistry sina Kiko Estrada at Kim Rodriguez sa “Strawberry Lane,” kaya naman may follow-up project na sila. Ito ang magandang balita sa amin ni Kim nang nakausap namin siya sa launch para sa bagong celebrity endorsers ng Boardwalk.

Excited na nga siya sa muling pagtatrabaho nila ni Kiko, ani Kim. Kilig-kiligan pa siya nang sabihin naming bagay sila ni Kiko. Inamin naman ni Kim na may something special na namamagitan between them.

Magkasama silang nag-celebrate ng Christmas sa house nina Kiko, ani Kim. Laptop ang regalo niya kay Kiko. Shoes, earphone at kung anu-ano pang gadgets ang regalo naman sa kanya ni Kiko. Sobrang generous ito, ani Kim. Mabait, pero seloso at possessive si Kiko, ayon pa kay Kim.

Wanted: Boyfriend

Five years nang endorser ng Boardwalk si Rich Asuncion at aniya, mas masaya at komportable siya dahil kapuwa Kapuso stars niya ang mga kasama niya. Sina Alden Richards, Kim Rodriguez, Mike Tan, Janine Gutierrez, Thea Tolentino, Jeric Gonzales at Juancho Tivinio ang mga kasama niyang rumampa noong grand presscon kung saan nag-model sila ng mga bagong collection ng Boardwalk apparels.

Sa hometown niya sa Bohol nag-Pasko at Bagong Taon si Rich at aniya, super nag-enjoy siya sa kanyang bakasyon. Nag-gain nga siya ng weight at nagdouble chin.

Wala raw siyang kasamang someone special dahil two years na siyang single matapos silang mag-break ni Ervic Vijandre. Two months lang sila nag-on, ayon kay Rich.

”Pine-pray ko nga kay Lord, give me a boyfriend (laughs),” sambit ni Rich.

Happy naman siya kahit loveless. Busy-bisihan siya sa trabaho. Malapit nang bumalik ang karakter niya sa “Yagit” at ani Rich, mas maldita siya.

Extended ang naturang afternoon series ng GMA7 hanggang April, ayon kay Rich. “First time na may series akong extended. Ibig sabihin, nagre-rate ang program namin,” aniya.

Kapamilya na

Kapamilya star na ngayon si Edgar Allan Guzman at kasama siya sa “Oh My God!” Natapos na ang kontrata niya last year sa TV5.

Inamin niya sa ilang entertainment writers noong presscon ng OMG na sobrang depressed siya sa naging takbo ng kanyang career sa TV5 noong nakaraang taon.

Isa lang daw ang show niya, “Tropa Moko Unli.” Feeling ni Edgar ay pinabayaan siya ng Kapatid Network. Noong natapos ang kontrata niya, nag-isip-isip daw siya.

Nakapag-desisyon sila ng kanyang manager na lumipat na lang siya sa ABS-CBN. Nag-thank you siya noong presscon ng OMG sa Kapamilya Network sa pagtanggap sa kanya. Sana raw ay makagawa siya ng maraming projects.

Bulong ng katabi naming writer, hindi man lamang pinasalamatan ni Edgar ang TV5 na naging bahagi rin naman ng kanyang career.

In any case, mapapanood na simula ngayong Lunes ang “Oh My God!” bago mag-“It’s Showtime” sa ABS-CBN Prime-Tanghali. First lead role ito ni Janella Salvador na tinatampukan din nina Marlo Mortel, Manolo Pedrosa, Janice de Belen, atbp.

Kinabahan

Halata ng entertainment writers na kinakabahan at ninenerbiyos sina Jane Oineza at Loisa Andalio sa pagsagot sa mga tanong sa kanila noong presscon ng “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.” Understandable naman dahil fi rst time yata ng mga bagets humarap sa maraming press members.

Gandang-ganda kami sa mukha ni Loisa. Ang ganda ng rehistro niya sa screen noong ipakita ang trailer ng NKNKK. May hawig siya kay Andi Eigenmann na parang younger version siya nito. Mukhang promising si Loisa kung maaalagaan nang husto ang kanyang career.

Sa NKNKK, magkapatid sila ni Jane at si Vina Morales ang kanilang ina. Mapapanood ito simula ngayon (Jan. 19) pagkatapos ng “Flordeliza” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

comments