Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ina, hot Momma pa rin

Ina, hot Momma pa rin

Ina Raymundo

Seksi-seksihan pa rin si Ina Raymundo kahit lima na ang anak niya sa kanyang Canadian husband. Four girls and one boy ang anak nila na 13 years old ang panganay. Nakilala si Ina bilang “Sabado Night girl” noong dekada ’90.

Younger-looking pa rin si Ina. Ang hairstyle niya, long hair pa rin. Paudlut-udlot ang pagbalik niya sa showbiz dahil parati siyang nabubuntis, ani Ina sa presscon ng “Halik sa Hangin.” Mother ni Julia Montes ang role niya which she doesn’t mind dahil pwede na raw sa edad nila ang gumanap na mag-ina sila.

Ayon kay Ina, napagkasunduan nila ng husband niya na tama na ang limang anak. Gusto niyang magtuluy-tuloy na ang paggawa niya ng project, either sa TV or movie. May special participation role si Ina sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita” bilang isang igorota na nakarelasyon ni Dominic Ochoa.

Big break

Hindi lang si Janella Salvador ang binigyan ng big break ng ABS-CBN,pati si Jane Oineza. Kung may “Oh My G!” si Janella, meron namang “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita” si Jane.” Pareho pang nag-pilot telecast noong Lunes (January 19) ang kanilang respective teleserye.

Nauna lang ang OMG bago mag-“It’s Showtime.” Sa hapon naman at 3:45 pm ang time slot ng NKNKK. Kung may Janice de Belen sa OMG, may Vina Morales naman sa NKNKK.

Dalawa rin ang leading men nina Jane at Janella. Sina Jerome Ponce at Joshua Garcia for Jane. Sina Marlo Mortel at Manolo Pedrosa naman for Janella. Kung kaninong show ang mas tatangkilikin at magre-rate, abangan na lang.

Gusto nang maging lola

Hindi isyu kay Zsa Zsa Padilla kung ikasal man sila o hindi ng arkitektong boyfriend niyang si Conrad Onglao. Sa bahay na nga nito nakatira ang singer-actress. Aniya, hindi na siya teen-ager para magpa-cute pa o mag-inarte sa pakikipag-relasyon.

Twenty-three years nakipag-live-in si Zsa Zsa sa yumaong Comedy King na si Dolphy at naging maligaya ang pagsasama nila kahit walang basbas ng sakramento ng kasal. Para kay Zsa Zsa, mas mahalaga sa isang relasyon ‘yung nagmamahalan at nagkakasundo kayo.

Mas excited si Zsa Zsa maging lola, kesa maging bride. Gusto na niyang magka-apo kay Karylle. Kaso lang, mukhang hindi pa ito handang maging ina. Ini-enjoy pa ni Karylle at ng husband niyang si Yael Yuson ang isa’t isa. Besides, marami pang gustong gawin sa kanilang individual careers ang mag-asawa. Mag-wa-one year na sila together sa March this year.

Gustong sabunutan

Gigil na gigil sa galit ang televiewers kay Mylene Dizon kapag pinanonood nila ito sa “Once Upon A Kiss.” Ayon sa ilang nakakausap namin, nadadala sila ng kanilang emosyon sa acting ni Mylene.

Gusto raw nilang sampal-sampalin at sabunut-sabunutan ang aktres sa sobrang pagka-maldita ng karakter nito. Wagas kung makapang-api kina Manilyn Reynes at Bianca Umali na gumaganap na mag-ina sa OUAK.

Nanghinayang naman sila na pinatay agad ang karakter ni Keempee de Leon bilang asawa ni Manilyn. Sana raw ay pinagpalit na lang ng karakter sina Keempee at Cris Villanueva.

Getting closer

Hindi lang kay JC de Vera nali-link si LJ Reyes, pati kay Renz Fernandez. Magkatrabaho sina LJ at Renz sa “Yagit” at may tsikang diumano’y getting closer ang dalawa.

Una silang nagkatrabaho sa “Prinsesa ng Buhay Ko” na kung paniniwalaan ang tsika, diumano’y nagkaroon ng special na pagtatangi si Renz kay LJ. Ngayong magkasama na naman sila sa “Yagit,” sobrang special na diumano si LJ kay Renz. How true?

Sino kaya ang mas matimbang sa puso ni LJ? Si JC o si Renz?

comments