Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Career ni Guy nakabitin

Career ni Guy nakabitin

Nora Aunor

AGANDA ang pasok ng 2015 kay Derek Ramsay. Tinanghal siyang Best Actor ng Metro Manila Film Festival para sa “English Only, Please.” Next movie niyang gagawin ay “Chemistry” with Kris Aquino. Joint venture ito ng Star Cinema, Regal Entertainment at Kris Cojuangco-Aquino Productions.

May dalawang bagong show si Derek sa TV5, isang reality show at isang sitcom, “Mac & Chiz” with Kapatid ‘hunk wannabe’ Empoy. Twins sila rito, would you believe? Kasama rin si Bianca King sa cast.

Ayon kay Derek, nakakalimutan niya ang kanyang linya kapag magka-eksena sila ni Empoy. Ang galing daw kasi nitong mag-comedy at mukha pa lang nito’y natatawa na siya.

’Kaaliw nga ang ipinakitang trailer ng “Mac & Chiz” noong grand launch ng 10 new shows ng TV5. Mukhang interesting itong panoorin. “Mac & Chiz” airs every Sunday starting Jan. 25 at 8 p.m.

Tuloy pa kaya?
Tuloy pa kaya ang guesting ni Nora Aunor sa “Maalaala Mo Kaya”? Bago na-mild stroke si German Moreno ay nakipag-negotiate siya sa ABS-CBN para sa paglabas ni La Aunor sa isang episode ng MMK.

Two taping days ’yun at nagkasundo na rin sa talent fee ng superstar. Ayon sa isang source, P300,000 ito. Schedule na lang diumano ng taping ang aayusin. Kaya lang, na-mild stroke si Kuya Germs na siyang tumutulong ngayon sa superstar para magkaroon ng project. Nag-expire na ang kontrata ni La Aunor sa TV5 at hindi na ito ni-renew ng Kapatid Network.

’Heard, wala na o “bakasyon” diumano ang tumatayong manager ni Guy na si Boy Palma. How true, may malalim na isyu sa paghiwalay nila bilang talent manager? As always, to the rescue si Kuya Germs para magkaroon ng project si La Aunor.

Sa kalagayan ngayon ni Kuya Germs na nagpapagaling pa at tine-therapy, hindi niya magagawang asikasuhin ang career ng superstar. Bawal ma-stress ang Master Showman at kailangan niya ng mahaba-habang pahinga para maka-recover.

Nakakapanghinayang naman na pinalampas ni Guy na mabasbasan siya ni Pope Francis sa event na ginanap sa UST (University of Santo Tomas). Diumano, nahirapan daw sa paghinga ang superstar kaya pinayuhan siya ng doktor na magpahinga na lang. ’Yun nga kaya ang tunay na dahilan?

Super blessed
Feeling super blessed naman si Erik Santos na kumanta ng Responsorial Psalm sa Holy Mass ni Pope Francis sa Luneta Quirino Grandstand. Ani Erik sa isang panayam, hindi niya maipaliwanag ang naramdaman niya nang sandaling ’yun. Kabado, pressured at feeling holy raw siya.

Nag-alala siya na baka maubo siya o makalimutan niya ang lyrics ng kanta. Muntik na nga raw siyang maiyak noong nakita niya si Pope Francis. Bagaman hindi niya ito nalapitan, feeling lucky na rin siya dahil sa experience of a lifetime niyang ’yun na habang buhay niyang ite-treasure. Isang kuwintas na may cross gaya ng suot ni Pope Francis at rosary ang ibinigay sa kanya ng Santo Papa.

Sa guesting naman ni Erik sa “Kris TV” kasama si Angeline Quinto, nabatid na heart-shaped white gold necklace at key na pendant ang Christmas gift niya kay Angeline. Expensive shoes ang regalo naman ni Angeline kay Erik. Sinabihan sila ni Kris na dapat ay bigyan niya (Erik) ng barya si Angeline. May matandang kasabihan kasi na mag-aaway o maghihiwalay ang magkaibigan o magkarelasyon kapag sapatos ang ibinibigay.

Totoo na kayang may namamagitang relasyon kina Erik at Angeline? Bakit parang marami pa rin ang nagtataas ng kilay at ayaw maniwala? Whatever!

comments