Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Alice Dixson, BB are chika buddies

Alice Dixson, BB are chika buddies

JASMINE Curtis-Smith

DALAWA ang bagong show ni Jasmine Curtis-Smith sa TV5 sa pagsisimula ng 2015.

Mauuna ang “Move It: Clash of the Street Dancers” kung saan co-host niya si Tom Taus. Every Sunday ito at 7 p.m. simula Jan. 25. First street dance competition ever ito on Philippine TV.

Dalawa ang categories nito … solo at crew/group. Sa solo category, tampok ang 10 celebrity dancers at sa crew/group category naman, 10 amateur dance crews, who have been making names in the industry, ang maglalaban.

Isa pang show ni Jasmine ay”Wattpad Presents” kung saan tampok siya sa “House Full of Hunks.” Kasama niya rito sina Vin Abrenica, Albie Casino, Charlie Sutcliffe at John Spainhour. Mapapanood ito on Feb. 9 at 9 p.m. Haba nga ng hair ni Jasmine dahil apat na poging hunks ang magaagawan sa beauty niya. Magselos kaya ang real-life boyfriend niyang si Sam Concepcion? Nagkasama na sila noon sa isang week-long episode ng “Wattpad Presents Season One.”

May special participation si Jasmine sa pelikulang “Halik sa Hangin” ng Star Cinema. Wala siyang movie contract sa TV5, kaya ipinahiram siya sa Star Cinema. So, pwedeng pagsamahin sila ng kanyang Ate Anne Curtis sa isang movie project ng Star Cinema.

Proud and happy
New year, new look si Alice Dixson. Bumagay sa kanya ang lampas-tengang one length na gupit noong nakita siya ng entertainment writers sa grand launch ng mga bagong programa ng Kapatid Network na ginanap sa Sampaguita Gardens Events Place. Bumata ang itsura ni Alice who is in her mid-40s. Aniya, nagpagupit siya para sa karakter niya bilang fashion editor sa “2 1/2 Daddies.”

Kasama niya sa cast ang Padilla siblings – Robin, Rommel at BB Gandanghari. First time ni Alice katrabaho sina Robin at Rommel. Nakatrabaho na niya si BB sa ilang pelikulang ginawa nila sa Viva Films noong Rustom Padilla pa ito. Nagkasama rin sila sa isang fantaserye ng TV5, ang ” Enchanted Garden.”

Komportable na silang katrabaho ang isa’t isa, ayon kay Alice. Sila ni BB ang magkatsika kapag breaktime nila sa “2 1/2 Daddies” at nagge” girl talk” sila . “Sa amin na lang ‘yun,” sabi ni Alice with matching giggling smile.

Aniya pa, noong Rustom Padilla pa si BB ay may mga naririnig na siyang tsismis tungkol dito. Pero never niya itong tinanong at never siyang nag-comment sa isyu.

Naging proud and happy si Rustom noong nag-out na at nagpakatotoo ito sa sarili. Sa “2 1/2 Daddies,” childhood sweethearts sina Alice at BB. Nag-abroad ang huli at pagbalik ay isa nang transgender ito. This Saturday (Jan. 24) ang pilot telecast ng naturang weekly sitcom at 7 p.m.

Marrying year
Mukhang marrying year din ang 2015 sa mga celebrity. Nauna ngayong January sina Aiza Seguerra at Liza Dino. On Feb. 15, sina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista naman ang magpapakasal.

Sa March naman ang kasal ni Patrick Garcia sa non-showbiz girlfriend niyang si Nikki Martinez. Ikakasal din si Gab Valenciano sa girlfriend niyang si Tricia Centenera.

Sa May ang garden wedding nina John Prats at Isabel Oli sa farm ng pamilya Prats sa Batangas. Si Vera Wang ang designer ng bridal gown ni Isabel. Take note na ex-boyfriend ni Heart si John, ex-girlfriend naman ni Gab si Isabel.

Ikakasal din this year si Sitti sa non-showbiz fiance niyang si Joey Boy Ramirez. Engaged to be married na rin si Solenn Heussaff sa Argentinian live-in boyfriend niyang si Nico Bolzico.

Wala pa rin kaya sa listahan ng mga ikakasal ngayong taong ito sina Toni Gonzaga at direk Paul Soriano? Baka naman sorpresahin na lang tayo ng kanilang engagement/wedding this year? Sabi kasi ni Alex Gonzaga, feeling daw niya’y mag-aasawa na this year ang kanyang Ate Toni. Abang-abang na lang kung magiging bride si Toni ngayong 2015.

comments