Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » John Lloyd remains Kapamilya

John Lloyd remains Kapamilya

john lloyd

O, Kapamilya pa rin si John Lloyd Cruz. Pumirma siyang muli ng kontrata sa ABS-CBN for another three years. Aniya, ang mga gagawin niyang projects ang priority niya ngayon.

Ibig kayang sabihin nito’y wala munang magaganap na marriage proposal kay Angelica Panganiban mula sa kanyang boyfriend (Aljur)? Sa isang panayam sa aktres, nagpahiwatig siyang handa na siyang magpakasal. Pareho na raw silang nasa marrying age ni John Lloyd. She is 28 years old, 32 naman si JLC.

Napag-uusapan na rin daw nila ang pagpapakasal kahit pabiro lang. Ayon pa kay Angelica, ayaw niya ng bonggang marriage proposal. Simple lang ang gusto niya. Walang fireworks at hindi on national TV.

So, kailan kaya mangyayari ang inaasam-asam ni Angelica na marriage proposal mula kay John Lloyd?

Regine Velasquez

Lilipat?
A few years ago, nabalitang lilipat si Regine Velasquez sa ABS-CBN. Diumano’y bukod sa pagiging talent, may offer pa para sa isang executive position ang Asia’s Songbird.

Pero walang lipatang nangyari at nanatiling Kapuso si Regine. Now, may mga lumulutang na namang balitang diumano’y lilipat sa ibang network si Regine. How true kaya?

If ever, saan kayang network? Sa ABS-CBN ba o sa TV5 kung saan nakakontrata ang mister niyang si Ogie Alcasid?

By the way, mukhang all-out at todo-buhos ang TV5 ngayong 2015. First quarter pa lang ay sampung bagong programa agad ang pambungad ng Kapatid Network na kilala rin bilang Happy Network. Puro “happy shows” nga naman kasi na pampa-good vibes ang hatid sa viewers.

Maganda ang feedback sa mga bagong show ng TV5. Marami ang nagsasabing interesting at tamang timpla ang mix ng iba’t ibang programa. Abangan natin kung totoo ngang 2015 is going to be TV5’s year. Kaabang-abang kung tuluyan nang aalagwa ang Kapatid/Happy Network ngayong 2015.

Nagkabalikan nga ba?
Wala pang kumpirmasyon o pagtanggi mula kina Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa isyung diumano’y nagkabalikan sila. Ayon sa isang reporter na malapit kay Aljur, hindi na siya magtataka kung totoong nagkabalikan ang dalawa.

On-and-off naman talaga ang relasyon nina Aljur at Kylie, anang reporter. First love, first boyfriend ni Kylie si Aljur. Mahirap itong makalimutan ng dalaga, kahit pa sinaktan siya ni Aljur noong nakipag-break ito sa kanya.

Paano na si Louise de los Reyes? “Andyan lang siya. Pahintay-hintay. Kasalanan naman niyang pumatol siya kay Aljur kahit alam niyang may Kylie ito,” pagmamaasim ng source.

“Buti pa si Enzo Pineda (ex-boyfriend ni Louise), naka-move on na at maligaya sa bagong girlfriend. Mas maganda kay Louise, huh!” sabi naman ng isang reporter.

Diumano’y nakarating na kay Robin Padilla ang tsikang nagkabalikan sina Aljur at Kylie. Wala pang pahayag ang tatay ni Kylie.

comments