Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Marian-Heart wedding issue mainit pa rin

Marian-Heart wedding issue mainit pa rin

MARIAN Rivera

NAIKASAL na si Marian Rivera at legal wife na siya ni Dingdong Dantes pero iniintriga pa rin sila ni Heart Evangelista. Diumano’y sinabi ng supporters ni Heart na mas maganda at mas may name ang bridesmaids niya kesa kay Marian.

Sina Lovi Poe, Solenn Heussaff, Carla Abellana, among others ang mga abay ni Heart. Sina Roxanne Barcelo at Ana Feleo ang kay Marian. Ka-cheapang isyu, di ba?

Sa Feb. 15 ang kasal nina Heart at Senator Chiz Escudero sa Balesin Island, Quezon. Tatlo ang wedding receptions nila, sa Balesin at may post-wedding receptions sa Manila (Feb. 18) at sa Sorsogon a few days after. Ipinalabas ng GMA7 ang bonggang kasal at wedding reception nina Dingdong at Marian. May TV coverage rin kaya ang kina Sen. Chiz at Heart?

Hoping pa rin si Heart na dadalo sa kanilang wedding ang kanyang parents. Ang daddy ni Marian, nag-effort pumunta sa Pilipinas para makadalo sa kanyang kasal.

HEART Evangelista

Ipinagdasal
Talaga palang ipinagdasal ni Marian Rivera kay Lord na si Dingdong Dantes ang mapangasawa niya. Aniya, nagsimba siya sa Quiapo church at ipinagdasal niya na kung para sa kanya talaga si Dingdong ay ibigay na sa kanya. Kung hindi naman, huwag na lang dahil ayaw niyang masaktan.

Binigyan siya ng sign ni Lord nang sabihan siya ni direk Joyce Bernal na pinapapunta siya ni Dingdong sa bahay nito para sa isang affair. Nag-inarte pa nga siya, ani Marian. Nagdahilan siyang wala siyang driver.

Tinawagan daw siya ni Dingdong na susunduin siya. Ito rin ang naghatid sa kanya pauwi. Bago raw siya ihatid ay nag-usap muna sila ni Dingdong. Nakita at naramdaman daw niyang sincere ang intensiyon nito sa kanya. So, ’yun na!

“Pag nagmahal kasi ako, todo. Ayoko ng papalit-palit ng boyfriend. Long-term akong makipagrelasyon,” lahad ni Mrs. Marian Rivera-Dantes.

Tuloy pa rin ang showbiz career ni Marian at ayon sa tsikang nakarating sa amin, diumano’y isang lesbian ang role niya sa bagong teleseryeng gagawin niya sa GMA7.

May gagawin ding bagong teleserye si Dingdong at ayon sa balita, si Carla Abellana ang makakapareha niya.

Derek Ramsay

Busy body
Isang non-showbiz girl diumano ang dine-date ngayon ni Derek Ramsay. Anang aktor, nasa getting-to-know-each-other stage pa lang sila. Wala pang label at enjoy-enjoy lang muna sila. “Let’s see in the next three years,” ani Derek sa presscon ng “Mac & Chiz.” Nagsimula na ito last Sunday sa TV5 at 8 p.m.

Kasama ni Derek ang naturang girl noong New Year Countdown ng TV5 sa Quezon Memorial Circle, QC. Anang Kapatid hunk, at this point sa buhay niya, parang mahihirapan siyang magka-lovelife. Super hectic ang schedule niya at afraid siyang baka wala rin siyang maibigay na oras kung magkaka-girlfriend siya.

Bukod sa busy siya sa taping ng “Mac & Chiz,” may mga pelikula pa siyang nakatakdang gawin. May movie siya with Kris Aquino. Gagawin din niya ang sequel ng “English Only, Please” with Jennylyn Mercado. Gusto rin daw ng Viva Films na gumawa siya ng isa pang pelikula with Jennylyn. May nakalinya ring indie film si Derek with Shaina Magdayao under Skylight Films (sister company ng Star Cinema).

Mismong ang big boss ng ABS-CBN na si Mr. Gabby Lopez ang nag-lift ng ban kay Derek, kaya pwede na siyang gumawa ng pelikula sa Star Cinema (movie arm ng Kapamilya Network). Nilinaw ng kampo ni Derek na pelikula lang ang gagawin niya at walang teleserye. Sa TV5 pa rin si Derek.

comments