Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Frencheska Farr says she wants peace in her family

Frencheska Farr says she wants peace in her family

francheska farr

BASE sa pinagdaanan niya noon sa kanyang buhay ang sinulat na lyrics ni Frencheska Farr para sa latest single niyang “Let My Fire Out.” Aniya, nagkaroon siya ng personal at family problems and later na-realize niyang tanggapin kung ano at/o sino siya, ang tunay niyang pagkatao.

“Nagkaroon kami ng miscommunication/misunderstanding ng family ko. ’Yung family kasi namin, hindi nag-uusap. Tahimik lang. Dalawa lang kaming magkapatid, pero hindi kami close ng brother ko na four years younger sa akin. Naging busy kasi ako sa career ko, kaya nawalan ako ng time na makipag-bonding sa family ko,” lahad ni Frencheska sa pocket presscon for her new single na released ng GMA Records. Available rin ito sa i-Tunes.

Paliwanag pa ni Frencheska, gusto lang niyang ipahayag ang saloobin niya sa “Let My Fire Out”. Aniya, gusto niyang kalimutan ang stages na ’yun sa kanyang buhay. “Gusto ko lang ng peace and happiness sa relasyon ng family namin,” saad ng GMA Artist Center talent.

Sa ginanap na presscon, nilinaw ni Frencheska ang isyu sa kanila noon ni Guian Magdangal. Aniya, walang namagitang “something” sa kanila noon at ipinagdiinan niyang friends lang sila. Nagkasama sila noon sa “Party Pilipinas” na SAS (“Sunday All Stars”) ngayon. Nagkatrabaho rin sila sa musical stage play na “Grease.” “’Yun lang, ’yun!” saad ni Frencheska.

Aniya, may boyfriend siya ngayon na isang indie film director named Gino Jose. Dinirek nito ang “Basaan” tungkol sa dalawang lalaki sa fiesta ng San Juan, Batangas.

NGSB
NGSB (No Girlfriend Since Birth) si Manolo Pedrosa na ex-“PBB All-In” housemate. Anang 17-year-old at six footer na bagets, hindi raw kasi siya ’yung tipong madaling ma-in love. May mga crush siya, pero hanggang du’n lang, ani Manolo sa presscon ng BNY. Siya ang latest celebrity endorser ng naturang clothing apparel. Recently, pumirma siya ng two-year contract. Pinalitan ni Manolo si Martin del Rosario.

Napapanood si Manolo sa “Oh, My G!” with Janella Salvador. Aniya, like niya ito at nagagandahan siya kay Janella. Masarap at magaan daw itong katrabaho. Gusto rin niyang makatrabaho sina Kathryn Bernardo at Julia Barretto. Crush niya ang huli, ani Manolo.

Si Gerald Anderson naman ang idol niya, ayon kay Manolo at gusto niyang makatrabaho ito. May pelikula na rin si Manolo at kasama siya sa cast ng “Stars vs. Me.”

Nag-umpisa si Manolo bilang commercial model na ang huli’y isang brand ng toothpaste kasama ang kanyang mommy. Bunso si Manolo sa tatlong magkakapatid, born on Oct. 20. Taga-Aklan ang mommy niya, taga-Manila naman ang daddy niya na ang business ay gumagawa ng hamon (Majestic ham).

Nag-aral si Manolo sa La Salle Greenhills, pero pansamantalang huminto siya noong nag-join siya sa “PBB All-In.” After high school, Marketing ang gusto niyang course sa Ateneo University.

comments