Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Heart junks superstition, fits her wedding gown

Heart junks superstition, fits her wedding gown

HEART Evangelista

HINDI naniniwala si Heart Evangelista sa pamahiin na bawal isukat ang bridal gown before her wedding day on Feb 15. Walang takot na isusukat (o naisukat na?) ni Heart ang kanyang wedding gown na Dubai-based din ang designer na si Izra Santos. Dubai-based din ang designer ng bridal gown ni Marian Rivera na si Michael Cinco.

Ang katwiran ni Heart, nasa pagsasama ng isang mag-asawa ang ikagaganda o ikasasama ng kanilang buhay. Aniya pa, madalas na silang magkasama ni Senator Chiz Escudero sa mga biyahe nila here and abroad, so what’s the point raw kung isukat niya ang kanyang bridal gown?

Sabay rin ang kanilang stag party at bridal shower, di gaya ng nakaugalian na magkahiwalay ang para sa groom and bride to-be.

Dalawa ang wedding gown ni Heart. ’Yung creation ni Izra Santos ang isusuot niya sa kanyang wedding. ’Yung gawa naman ni Monique Lhuillier from Los Angeles, USA ang isusuot niya sa wedding reception sa Manila.

Alonzo Muhlach

Bagong child star

Malakas talaga ang kaway ng showbiz sa mga batang gustong mag-artista. Isa na ang six-year-old na si Alaina Jezl (AJ) Ocampo. Mahilig siyang umarte, kumanta at sumayaw, lalo na ng ballet. Mahilig din siya sa sports at isa siyang team player.

Nasa preparatory level si AJ sa Pater Noster Montessori School sa Tagaytay City. Supportive ever naman kay AJ ang parents niyang sina Jessie Ocampo at Alona Barbuco at proud sila sa kanilang anak. Pinagwo-workshop nila si AJ sa Neophyte Talent Center at nag-a-acting lessons ito para mahasa pa sa tamang pag-arte.

Naengganyong pasukin ni AJ ang showbiz dahil kay Alonzo Muhlach na napanood niya sa “My Big Bossing.” Dream come true kay AJ na makatrabaho ang child star sa kanyang debut movie, “1 Day, Isang Araw.”

Bukod kay Alonzo Muhlach, kasama rin ni AJ sa kanyang launching movie sina Niño Muhlach, Bembol Roco, Arci Muñoz, Allen Dizon, Ritz Azul, Bonnel Balingit (ex-basketball player), Isko “Brod. Pete” Salvador, Monsour del Rosario, Eric Fructuoso, Onyok Velasco, atbp. Mula sa direksiyon ni Dinky Doo.

Nagpaubaya na

Did we hear it right na nagpaubaya na diumano si Julian Trono kay Miguel Tanfelix para hindi na siya makagulo sa Biguel (Bianca-Miguel) love team?

Klik ang tandem nina Miguel at Bianca Umali sa “Once Upon a Kiss” at kilig-kiligan ang kanilang fans and supporters sa mga eksena nila together. Inaabangan nila ’yung kiss ni Bianca (Ella) kay Miguel (Prince) para magising na ito sa pagka-coma.

Happy naman ang cast ng “Yagit” dahil extended ito. Magandang birthday gift kay Chlaui Maglayao na isa sa mga batang yagit. She turned seven years old last Jan. 24, pero ang birthday party niya ay sa Feb. 1. Siyempre, invited ang co-stars niya sa “Yagit” na sina Judie dela Cruz, Jemwell Ventinilla at Zymic Jaranilla.

comments