Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jake at Bea madilim ang relasyon

Jake at Bea madilim ang relasyon

JAKE Vargas and Bea Binene

KAHIT kapuwa itinanggi nina Jake Vargas at Bea Binene na break na sila at okey sila, halata ng entertainment press na may itinatago sila sa totoong namamagitang relasyon sa kanila. Sa presscon ng movie nilang “Liwanag sa Dilim,” bahagyang nagkibuan sina Jake at Bea. Walang kilig-kiligang factor.

’Kaloka ang magkaiba nilang pahayag sa date ng kanilang 3rd anniversary as sweethearts. Sabi ni Jake, January this year, sey naman ni Bea, Feb. 5. Ayon pa kay Jake, wala silang anniversary gifts ni Bea sa isa’t isa.

Itinanggi rin ni Jake na battered boyfriend siya. Aniya, bugbog siya sa pagmamahal ni Bea. Joke ng press, mukhang madilim ang relasyon nila, kaya napilitan si Bea amining may pinagdaraanan sila ni Jake. “Kung anuman ’yun, maaayos din,” sambit ni Bea.

Kapuwa malungkot ang kanilang mga mukha, walang ningning ang kanilang mga mata. Walang glow ng dalawang taong in love sa isa’t isa, pansin ng press kina Jake at Bea. Magkahiwalay silang dumating at umalis sa presscon.

Wrong timing yata na kung kailan nagpo-promote sila ng kanilang movie, saka naman nag-break sina Jake at Bea. Makatulong kaya ’yun sa magiging box-office returns ng “Liwanag sa Dilim”? Magliwanag kaya o magdilim ang takilya?

elmo and janine

Super sweet
Kabaliktaran nina Jake Vargas at Bea Binene ang nakita namin kina Elmo Magalona at Janine Gutierrez nang dumalaw kami, kasama ang ilang colleagues sa taping ng “More Than Words.” Sweet-sweetan ang dalawa at may pakiliti-kiliti pa si Elmo sa tagiliran ni Janine. Super lagkit kung magtitigan sila na parang ice cream na kinakain namin habang kausap namin sila.

Asked kung ano’ng parte ng katawan ang gusto nila sa isa’t isa, parehong eyes ang isinagot nina Elmo at Janine. “Kapag tinitingnan ko siya, lalo akong nahuhulog sa kanya,” ani Elmo. “Expressive ang eyes ni Moe,” sambit naman ni Janine. “Tinginan lang namin, alam na niya kung ano’ng gusto ko. Hindi na niya kailangang magsalita.” “I want to be with her forever,” tugon naman ni Elmo.

O, di ba, nakakakilig sila?

Kasama ni Elmo si Janine sa kasal ng kanyang Ate Saab Magalona sa Baguio City. Nagkita roon sina Janine at ang ex-girlfriend (na never namang inamin) ni Elmo na si Lauren Young. Ani Janine, civil sila ni Lauren sa isa’t isa at nagbatian sila. Kasama ni Lauren ang non-showbiz boyfriend niya.

Pumasok sa “More Than Words” si Kylie Padilla bilang ex-GF ni Elmo at anang huli, happy siyang ito ang katrabaho nila ni Janine. “Bilib ako kay Kylie. Magaling siya at mabait,” ani Elmo. ’Asked Janine kung nagseselos ba siya kay Kylie, “Not at all. Trabaho lang. Alam ko kung saan ako nakalugar sa puso ni Moe,” ever-smiling na sabi ni Janine.

Paborito
Saglit ding nakausap namin si Jaclyn Jose sa taping ng “More Than Words” at aniya, paborito na niya si Janine Gutierrez. Mabait at masarap itong katrabaho at magaling umarte.

Ayon pa kay Jaclyn, maraming artistang bano umarte, pero tumanggi siyang magbanggit ng pangalan. Gusto niyang katrabaho ang GMA stars dahil walang attitude problem. Magagaan daw katrabaho.

Hindi yata alam o maang-maangan lang si Jaclyn na nagkabalikan ang anak niyang si Andi Eigemann at Jake Ejercito. Nagulat pa siya nang sabihin ng isang kasama naming reporter na magkasama sa Singapore ang dalawa.

“Nagkabalikan ba sila? Ay, paborito ko si Jake. Alam n’yo yun,” nakangiting sabi ni Jaclyn.

Naiba ang mood ng aktres nang tanungin ang isang taong nali-link din kay Andi. Bagaman hindi binanggit ang name ng guy, getz agad ni Jacyln kung sino ’yun (Bret Jackson). Anang aktres, noong nagsalita siya about him, kung anu-ano’ng lumabas na pahayag nito. “Ayokong tumulong sa kanya para sumikat siya, noh! Sapat na ’yung anak ko ang tumutulong sa kanya,” wika ni Jaclyn.

comments