Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Elmo, Janine to celebrate Valentine ‘away from the maddening crowd’

Elmo, Janine to celebrate Valentine ‘away from the maddening crowd’

elmo janineAYAW “bilhin” ng entertainment press ang sinabi ni direk Richard Somes tungkol sa relasyon nina Jake Vargas at Bea Binene. Halata namang may pinagdaraanan sa kanilang relasyon ang dalawang Kapuso stars.

Pinagtakpan pa ni direk Somes sina Jake at Bea. Aniya noong presscon ng “Liwanag sa Dilim” ay wala raw siyang napansing nagkatampuhan ang mga ito noong nagsyu-shoot sila ng naturang movie. Nakita raw niya kung paano mag-alagaan sa isa’t isa sina Jake at Bea.

Nakita raw niya kung gaano ka-in love ang mga ito sa isa’t isa. On-and-off naman kasi ang relasyon nina Jake at Bea. Sabi ni Bea, marami silang issues ni Jake. Pero pinag-uusapan naman nila agad.

Asked kung babae ba ang kadalasang dahilan ng on-and-off na relasyon nila ni Jake, ngumiti lang si Bea. Aniya, lapitin daw kasi ng girls si Jake at friendly ito. Pero wala pa naman daw siyang sinugod na babae. Inamin ni Bea, pareho silang jealous type ni Jake.

I-pursue na kaya?
May tsikang diumano’y may kinalaman si Derrick Monasterio sa break-up nina Jake Vargas at Bea Binene. Sayang at hindi namin ito naitanong sa dalawa noong presscon ng “Liwanag sa Dilim.”

May tsika pang nakarating sa aming diumano’y paghihiwalayin na ang love team nina Jake at Bea. Ipu-push diumano ang love team nina Derrick at Bea. Sila nga ang magkasamang iginest sa “Celebrity Bluff” kamakailan kasama ang ibang Kapuso love teams na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching, Kiko Estrada at Kim Rodriguez.

“Tweenhearts” days pa lang ay inamin na ni Derrick na crush niya si Bea. Hindi lang siya nakaporma noon dahil si Jake ang ka-love team ni Bea. Eventually, naging real life love team ang dalawa.

Ngayong nagkakalabuan (o nagkalabuan na) ang relasyon nina Jake at Bea, hindi kaya “mabuhayan” ng loob si Derrick na i-pursue si Bea? By the way, marami ang nanghihinayang kay Derrick. Going nowhere ang kanyang career na tila nabantilawan ang kanyang pagsikat. Anyare?

Very promising si Derrick noong nag-uumpisa pa lang siya. Leading man material. Gwaping, matangkad at may talent sa acting, singing at dancing. Push-push lang dapat sa kanyang career.

Di nakikipagkumpitensiya
Walang pressure kina Elmo Magalona at Janine Gutierrez kung ikinukumpara sila sa ibang love teams. Anila, hindi sila nakikipagkumpitensiya at masaya na sila na tanggap ang kanilang reel-and-real love team.

Sobrang happy sina Elmo at Janine na maganda ang feedback sa “More Than Words.” Wish lang nilang ma-extend ito. Thankful sila na dahil sa success ng “Villa Quintana” na una nilang pinagtambalan ay binigyan sila ng follow-up project, ito ngang “More Than Words” na napapanood weeknights sa GMA Telebabad after “24 Oras.”

Love month ngayon at malapit na ang Valentine’s Day (Feb. 14), at nag-iisip na sina Elmo at Janine ng regalo nila sa isa’t isa. Wish lang nilang wala silang taping sa V Day para makapag-celebrate sila. Sabi ni Elmo noong nakausap namin sila ni Janine sa taping ng “More Than Words,” gusto niyang sa isang private place sila mag-celebrate ni Janine ng Love Day. “Away from the maddening crowd,” he said.

comments