Home » Entertainment » Timing » Jeric doesn’t mind being part of 3Logy

Jeric doesn’t mind being part of 3Logy

JERIC Gonzales

BUMUO ang GMA Artist Center ng grupong 3Logy na kinabibilangan nina Jeric Gonzales, 22, Jak Roberto, 21 at Abel Estanislao, 19. Ang una nilang kanta under GMA Records ay “Maybe It’s You” na theme song ng Koreanovelang “My Name is Kim Sam Soon.”

“Protégé” male winner si Jeric, mainstay naman ng “Walang Tulugan with the Master Showman” si Jak at naging bahagi naman ng programang “Teen Gen” si Abel.

Successful ang unang mall show ng 3Logy sa SM Valenzuela at anila, sobrang saya nila at thankful na klik agad ang kanilang grupo.

Hindi isyu kay Jeric kung bahagi siya ng 3Logy kahit nag-umpisa siya bilang solo star. Aniya, friends silang tatlo at mas makakapagbonding pa sila ngayong magiging madalas ang pagsasama nila.

“Naniniwala ako sa GMA Artist Center at ginagawa nila kung ano’ng makakabuti sa career namin,” ani Jeric.

Nagbo-vocal lessons sila at si Zebedee Zuñiga ang kanilang vocal coach.

Wala pang next project si Jeric after “Strawberry Lane.” Wish niyang makatrabahong muli ang dati niyang ka-love team na si Thea Tolentino. Nalilinya ito ngayon sa kontrabida role at ayon kay Jeric, sobrang bilib siya dahil effective si Thea. Gusto rin daw niyang magkontrabida, ani Jeric.

Bawal
Hindi pa rin nakakadalaw si Jak Roberto kay German Moreno na itinuturing din niyang tatay-tatayan. Bawal daw kasing dalawin si Kuya Germs na nasa bahay na at nagpapagaling. Lungkut-lungkutan si Jak at aniya, nami-miss niya ang Master Showman.

Taong 2012 nag-umpisa si Jak sa “Walang Tulugan with the Master Showman (WTWTMS).”

Nalulungkot din si Jak na marami ang natanggal sa mga kasama niya sa WTWTMS. Ilan na lang silang natira at aniya, management decision ang pagtanggal sa ilang kasama niya.

Taga-Nagcarlan, Laguna, si Jak. Second runner-up siya sa Ginoong Laguna 2010. Nakalabas na siya sa “With a Smile” sa GMA Afternoon Prime.

Wala raw siyang girlfriend. Si Yassi Pressman ang showbiz crush niya. Like rin niya si Julie Ann San Jose.

Look-alike
Look-alike ni Aljur Abrenica si Abel Estanislao at napanood siya sa “Villa Quintana,” “Maghihintay Ako” at “The Half-Sisters.” Kasama siya sa bagong teleseryeng “Healing Hearts” na malapit nang mapanood sa GMA 7, tampok sina Kristoffer Martin at Joyce Ching.

Wala ring girlfriend si Abel at aniya, si Kylie Padilla ang crush niya at gustong makatrabaho. “Iba kasi ang dating ni Kylie. Iba ang aura niya,” sambit ni Abel.

Flattered siyang marami ang nagsasabing look-alike siya ni Aljur na moreno ring tulad niya. Pero ani Abel, gusto niyang magkaroon ng sariling identity.

Uncle ni Abel ang yumaong aktor na si Jay Ilagan. Mag-pinsan ang kanyang mommy at daddy ni Jay. Distant relative rin ni Abel sina Janno Gibbs at Dexter Doria.

TDH (tall, dark, and handsome) si Abel na 5’11” ang height. Expert siya sa judo-karate at paborito niya si Richard Gomez na isa ring TDH at mahusay na athlete.

comments