Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jake, not Albie, fathered Andi’s child?

Jake, not Albie, fathered Andi’s child?

jake ejercito

SI Andi Eigenmann lang talaga ang makakapagsabi kung sino ang tunay na ama ng three-year-old daughter niyang si Gabrielle (Ellie for short). Si Albie Casiño ang diumano’y ama ng bata. Pero sa isang panayam kay Albie, may duda siyang anak nga niya si Ellie.

Aniya, walang konkretong ebidensiya. Hindi siya nag-pa-DNA test dahil sayang lang daw ang oras niya. Lalabas din daw ang katotohanan.

May mga nagdududa tuloy na baka raw si Jake Ejercito ang tunay na ama ng anak ni Andi. Balitang nagkabalikan na naman sina Andi at Jake na kamakailan ay magkasamang nagpunta sa Singapore. On and off ang kanilang relasyon.

Albie Casino

Siyanga pala, tampok si Albie sa “Wattpad Presents: House Full of Hunks” with Jasmine Curtis-Smith, Vin Abrenica, Charlie Sutcliffe, and John Spainhour. Week-long series ito na mapapanood sa TV5 at 9 p.m. simula ngayong Lunes (Feb.9).

Malabo
Naiba na naman ang shooting schedule para sa pelikulang pagsasamahan nina Governor Vilma Santos-Recto at Angel Locsin. Mother’s Day offering sana ito ng Star Cinema. Pero napag-alaman naming malabong maihabol ito sa target playdate sa May.

Wala pang maibigay na shooting schedule si Gov. Vi dahil marami pa siyang dapat asikasuhin bilang isang public servant. Priority niya ang constituents niya bilang ina ng Batangas.

Tiniyak naman ni Gov. Vi na within this year ay magagawa niya ang movie nila ng kanyang future daughter-in-law. Abang-abang na lang.

Loyalists
Faithful, loyal Kapuso stars ever sina Chynna Ortaleza at LJ Reyes. Kamakailan ay muli silang pumirma ng kontrata sa GMA Network at GMA Artist Center.

Fourteen years na si Chynna sa Kapuso Network. Aniya, mahirap iwanan kungcsaan siya nagsimula. Bagets pa siya noon and now, nasa late 20s na si Chynna.

Itinuturing namang second home ni LJ ang GMA. Produkto siya ng “Starstruck 2.” “Feeling ko, dito (GMA) na ako tatanda,”ani LJ.

Kasabay pumirma ng kontrata nina Chynna at LJ si Ervic Vijandre. Certified Kapuso na rin siya at aniya, mananatili siya sa pinaka-best station, ang GMA. Never daw siyang lilipat sa ibang network. Owwsss??? Tingnan nga natin kung mapapanindigan ni Ervic ang sinabi niya.

Present sa ginanap na contract-signing sina Lilybeth Rasonable (GMA and senior vice president for entertainment), Gigi Santiago-Lara (senior assistant VP for alternative production) at Simoun Ferrer (GMA Artist Center assistant VP and head for talent imaging and marketing).

comments