Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Barretto sisters may alitan na naman

Barretto sisters may alitan na naman

Gretchen Barretto

ANO kaya ang reaction ni Claudine Barretto sa isyu ng mga kapatid niyang sina Gretchen at Marjorie? Hindi nagustuhan ni Marjorie ang pagpuri ni Gretchen kay Lisa Soberano na gandang-ganda siya rito.

Si Lisa ang sinasabing mahigpit na karibal o kalaban ni Julia Barretto na anak ni Marjorie. Mukhang nauungusan (o naungusan na) na nga ni Lisa si Julia since nagbida siya sa “Forevermore.” Ang daming tagasubaybay ng primetime series na ito ng ABS-CBN kung saan katambal ni Lisa si Enrique Gil.

majorie barretto

Ang babaw naman kung dahil lang sa pagpuri ni Gretchen kay Lisa ay nagkasamaan sila ng loob ni Marjorie. Magkakampi sila laban kay Claudine kaugnay ng family issues nila. Ngayon, sina Gretchen at Marjorie naman ang magkaaway.

Panibagong yugto na naman ito ng mala-teleseryeng buhay ng mga Barretto. Kanya-kanya na bang laban ang Barretto sisters?

Angelica Panganiban

Inagaw?
Dahil sa katabilan ni Angelica Panganiban at pag-amin niyang siya ang dahilan ng break-up nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, nakumpirmang may third party nga. Ayaw sabihin noon nina JLC at Shaina ang dahilan kung bakit sila naghiwalay at parehong tikom ang kanilang mga bibig.

Sa post ni Shaina sa kanyang Instagram account, bagaman wala siyang binanggit na pangalan, three years na niyang ipinagdarasal ang mga taong nagtangkang sirain siya kahit wala naman siyang ginagawa sa mga ’yun.

Three years na together sina JLC at Angelica. Matatandaang gumawa sila ng isang pelikula sa Star Cinema na kinunan abroad. Pagbalik nila sa Pilipinas, kumalat ang balitang break na sina Angelica at Derek Ramsay, sina JLC at Shaina. ’Yun pala, may namamagitan nang “something” between JLC and Angelica. Wagas ang pagkawindang ng nasaktang puso ni Shaina.

The nerve na sabihin pa ni Angelica on national TV na ano raw kaya ang feeling ni Shaina na best friend pa naman niya, pero siya (Angelica) ang nagwagi? Naka-relate kaya sina Kim Chiu at Maja Salvador na dating best of friends?

In any case, did we hear it right na may mayaman, matangkad at guwapong businessman na manliligaw ngayon si Shaina?

Dinumog
Sina Ana Roces at Valerie Concepcion ang mga bagong dagdag na karakter sa “Once Upon a Kiss.” Ana plays Daisy at si Betty naman si Valerie. Pareho silang naging friends ni Manilyn Reynes (Aurora).

Sa mga nagtatanong kung saan nagti-taping ang OUAK, sa Tagaytay at sa General Trias, Cavite kadalasan. ’Yung fiesta scene ay sa Gen. Trias at talaga namang dinumog at pinagkaguluhan sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Samantala, mamaya sa OUAK, nalasing si Prince sa kasal ni Betty. Sinabihan niyang maganda si Ella. Binuhusan si Prince ni Aurora ng isang timbang tubig para mahimasmasan.

Haharanahin ni Prince si Aurora at bibigyan ng bulaklak.

Malamig pa rin ang pakikitungo niya kay Prince. Pero noong nakita niyang may mabuting ginawa si Prince sa mga bata, pumayag na siyang maging magkaibigan sina Prince at Ella.

comments