Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sharon loses 35 pounds

Sharon loses 35 pounds

Pokwang

MAY lovelife na si Pokwang at wish lang niya’y pang-matagalan na ang relasyon nila ng American actor na si Lee O’Brian. Nagkatrabaho sila sa “EDSA Woolworth” na ipinalabas kamakailan. Hindi nga lang ito kumita sa takilya.

Haba ng hair ni Pokwang dahil love na love siya ng kanyang American boyfriend. Darating sa April si Lee at two weeks siyang mananatili sa Pilipinas.

Natatandaan namin ang sinabi ni Lee sa presscon ng “EDSA Woolworth” na willing siyang mag-stay sa Pilipinas kung sasabihin ’yon sa kanya ni Pokwang. Gano’n niyang kamahal ang komedyante. Handang isakripisyo ni Lee ang kanyang career sa US for the love of his life.

May blessing ng dalagang anak ni Pokwang na si Mae ang pakikipagrelasyon niya kay Lee. This Valentine, happy heart na si Pokwang kahit pa long distance affair sila ni Lee.

SHARON Cuneta

Pumayat na
Base sa ipinost na picture ni Sharon Cuneta sa Instagram account ni Ciara Sotto, medyo pumayat na nga siya. Slight lang. More push pa para mabawasan pa ang kanyang timbang.

’Heard, 35 pounds na ang nabawas kay Sharon. Kuha ang naturang larawan ng megastar noong baby shower ng pinsan niyang si Ciara.

Due to give birth this month si Ciara sa first child nila ng asawa niyang si Jojo Oconer. Base sa ultrasound na ginawa kay Ciara, baby boy ang isisilang niya. Excited na nga siyang makita ang kanyang baby.

Going back to Sharon, kinakarir niya talaga ang pagpapapayat para makabalik na siya sa showbiz. ’Heard balik-ABS-CBN ang megastar. Abang-abang na lang kung ano’ng magiging programa ni Sharon sa Kapamilya Network.

First solo concert
“Nothing personal against Jonalyn Viray. May mga outside force lang na nang-iintriga. Gano’n naman talaga noong buo pa ang La Diva,” ani Aicelle Santos sa presscon para sa kanyang first solo concert titled “Class A: Aicelle Santos in Concert.” Gaganapin ito on Feb. 25 sa Philippine Educational Theater Association (PETA).

Umalis kasi si Jonalyn sa La Diva na diumano’y ikinasama ng loob ni Aicelle at ni Maricris Garcia. Pinabulaanan ito ni Aicelle. Aniya, may mga bagay lang na hindi nagtugma sa gusto nila. Nirerespeto raw niya ang desisyon ni Jonalyn na mag-solo na.

Ayon pa kay Aicelle, never silang naging close ni Jonalyn. Sila (Aicelle) ni Maricis ang close. Ani Aicelle, malaki naman ang naitulong ng La Diva at masaya siya kung ano ang narating ng kanilang grupo.

In any case, excited si Aicelle sa forthcoming concert niya kung saan guest performers sina Regine Velasquez, Kyla, Gian Magdangal at Celeste Legaspi. Si Carlo Orosa ang direktor.

* * *
Mamaya sa “Yagit,” isinugod ni Peter sa ospital si Tom. Ginabi sila ni Elisa sa pag-uwi. Pinatalsik ni Claudia si Peter sa trabaho. Inamin ni Elisa na siya ang may kasalanan, kaya ginabi sila ni Peter sa pag-uwi.

comments