Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aicelle says Gian’s just a friend

Aicelle says Gian’s just a friend

gian magdangal

NAKA-base na sa Hong Kong si Gian Magdangal since nawala siya sa SAS (“Sunday All Stars”). Na-link siya kay Aicelle Santos noong magkasama pa sila sa naturang Sunday musical-variety show ng GMA7.

Sa presscon ng “Class A: Aicelle Santos in Concert,” itinanggi ni Aicelle Santos na nagkaroon sila ng “something” ni Gian. Anang Kapuso Star at GMA Artist Center talent, purely friendship lang ang namagitan sa kanila ni Gian.

Nagkasama rin sila ni Gian sa isang musical play ng PETA (Philippine Educational Theater Association), kaya naging friends sila. Ipinagdiinan ni Aicelle na never nanligaw o nagparamdam sa kanya si Gian.

aicelle santos

Totoo bang pinagselosan siya ni Sherie (na ex-girlfriend na ngayon ni Gian)? “Narinig ko lang. Hindi ko alam kung totoong pinagselosan niya ako,” sagot ni Aicelle.

Kahit sa Hong Kong na nagtatrabaho si Gian, may communication pa rin sila, ayon kay Aicelle. Magge-guest nga si Gian sa concert ng dalaga on Feb. 25 na gaganapin sa PETA Theater. Bale birthday concert ’yun ni Aicelle. Feb. 24 ang kanyang birthday.

New acting techniques
Nag-undergo ng six-day short course on Acting Techniques ang Kapuso artists na sina Louise delos Reyes, Mike Tan, Benjamin Alves at Glaiza de Castro sa Royal Academy for Dramatic Arts (RADA) sa pamamagitan ng PETA (Philippine Educational Theater Association).

Ang RADA ay isa sa pinakamagaling na drama academies sa buong mundo na may reputasyon bilang world leader at center of excellence in drama and theater. Ilan sa mga alumni nito’y sina Alan Rickman (Severus Snape in “Harry Potter”), Sean Bean (Boromir in “Lord of the Rings”), Felicity Huffman (“Desperate Wives”), Ralph Fiennes, Allison Januey at Anthony Hopkins.

“Its about time to learn new knowledge and expand one’s horizon, the quest for new techniques to update oneself with fresh approaches is never ending. I do greatly encourage enhancing their craftsmanship. I would like to congratulate the participants from GMA Artist Center,” pahayag ni direk Maryo J. delos Reyes, GMA Network’s Talent Development consultant.

Malabo na
Mukhang malabo na talagang magkabalikan sina Martin Nievera at Pops Fernandez. May tsikang diumano’y may kanya-kanya silang bagong lovelife. Wala lang gustong umamin at tikom ang bibig ni Martin kapag lovelife niya ang tinatanong.

Si Pops ay nali-link kay Chavit Singson. Itinanggi na nila kapuwa na may “something” sila. Gulat-gulatan pa si Martin nang tanungin siya tungkol sa isyu kina Pops at Singson.

“Totoo ba ’yun?” balik-tanong niya sa mga reporter na nagtanong sa kanya sa isang presscon. Ayon pa kay Martin, sa pagkakaalam niya, hindi si Chavit ang ka-“somethingan” ni Pops. Iba raw na hindi naman niya binanggit kung sino.

Sino nga kaya ang nagpapasaya ng puso ngayon ni Pops? At sino rin kaya ang Lady Love ngayon ni Martin? Manood kaya ito sa Valentine show tonight ni Martin? Kasama niya sa “Ultimate” concert sina Gary Valenciano, Regine Velasquez at Lani Misalucha. Sa SM Mall of Asia Arena ang kanilang concert.

comments