Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Gabby, LT kinikilig sa Kathniel team-up

Gabby, LT kinikilig sa Kathniel team-up

kathniel

KILIG-kiligan sina Lorna Tolentino at Gabby Concepcion kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na kasama nila sa “Crazy Beautiful You.” Post-Valentine offering ito ng Star Cinema na showing on Feb. 25 sa mga sinehan nationwide.

Ani LT, naaalala niya ang Guy and Pip love team sa Kathniel love team. Sabi naman ni Gabby, may naaalala siya kapag nakikita niya sina Daniel at Kathryn. Si Sharon Cuneta kaya? Hottest love team noong Dekada ’80 ang Sharon-Gabby.

How time flies! Ngayon, father at mother roles na ang ginagampanan nina Gabby at LT na namayagpag noon bilang mga bida sa pelikulang ginawa nila, either magkatambal sila o magkahiwalay ng kapareha. Nagtambal noon sina LT at Gabby sa “Kislap sa Dilim,” “Nagbabagang Luha,” atbp.

Sa Capas,Tarlac sila nag-shoot ng “Crazy Beautiful You” for three weeks at ayon kay LT, happy set sila. “Masaya, magaan katrabaho sina Daniel at Kathryn. Nag-enjoy kami kahit gutom kami at nagpapaluto kami ng kamote,” lahad ni LT.

Starstruck
“Masarap, masaya silang panoorin on- and off-camera,” sambit naman ni Gabby tungkol kina Daniel at Kathryn. “They’re very natural and professional. Kinikilig ako kapag pinapanood ko sila.”

Ayon pa kay Gabby, friends niya ang mga magulang ni Daniel na sina Rommel Padilla at Karla Estrada. Bata pa si Daniel ay nakikita na niya ito noong nag-aaral ito sa

Montessori School sa San Juan.

Si Mae Cruz-Alviar ang direktor ng “Crazy Beautiful You” at aniya, dream come true na naidirek niya si Gabby. Practicumer siya noon at sinabi raw sa kanya ng aktor na baling araw ay baka maidirek niya ito. Ayon kay direk Mae, Sharon-Gabby fan siya at starstruck siya noon kay Gabby.

Okey lang
Kasama sa cast ng “Crazy Beautiful You” si Iñigo Pascual na makaka-love triangle nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Nag-bida na si Iñigo sa “Relaks, It’s Just Pag-ibig” at aniya, okey lang kung support lang siya kina Daniel at Kathryn.

”It doesn’t matter,” he said. “It’s an honor to be working with Daniel, Kathryn, Tita Lorna, and Tito Gabby. At first, I was so nervous. But because happy set kami, naging comfortable ako.”

Ayon kay Iñigo, this year ay dito muna siya sa Pilipinas para subukan ang kanyang showbiz career. Hindi pa siya desidido kung for good na ang stay niya sa bansa. Baka raw next year ay bumalik na siya sa United States. Depende raw sa magiging kapalaran niya sa showbiz.

Ayon naman kay direk Mae, Iñigo is not just Piolo Pascual’s son. “He is his own person. He has so much to give,” anang lady director.

Ano naman ang masasabi niya kina Daniel at Kathryn? ”They have so much to give. Malayo ang mararating nila,” saad ni direk Mae.

Promising star
Promising star si Juancho Trivino at kung mapu-push lang nang husto ang career, chances are, magiging next important leading man siya ng Kapuso Network. May talent, may height siya kumpara sa ibang nagbibida-bidahang actor, plus good looks. Ano pa ba ang hahanapin kay Juancho? Push! Push! lang sana.

Mainstay si Juancho sa “Bubble Gang” at mabuti naman, isinama siya sa bagong family drama ng GMA, ang “Instant DAD” na mapapanood simula ngayong Linggo pagkatapos ng SAS (“Sunday All Stars”).

Weekly show ito na tampok din sina Gabby Eigenmann, Ash Ortega, Jazz Ocampo, Prince Villanueva at Matet de Leon. Mula sa direksiyon ni Neal del Rosario.

comments