Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » LT, contended lola, hindi naghahanap ng new ‘Babe’

LT, contended lola, hindi naghahanap ng new ‘Babe’

Lorna Tolentino

KUMPARA sa pinsan niyang si Zsa Zsa Padilla na may bagong lovey dovey sa katauhan ni Architect Conrad Onglao, hindi na naghahanap si Lorna Tolentino ng panibagong “Babe” sa buhay niya simula noong namatay ang husband niyang si Rudy Fernandez. Year 2008 namatay si Rudy at magse-seven years nang biyuda si LT.

Si Zsa Zsa ay nakatagpo ng bagong love two or three years after namatay si Mang Dolphy. Happy heart siyang muli.

“Happy na ako sa pagiging lola,” ani LT sa presscon ng “Crazy Beautiful You.” May four-year-old granddaughter siya sa panganay nilang anak ni Rudy na si Ralph.

Ayon kay LT, hindi siya naghahanap ng lovelife. Darating ’yun kung ibibigay ng Panginoon, aniya. Happy at kuntento na siya ngayon sa kanyang buhay with her two sons (Ralph and Rez) and granddaughter. ’Yun naman ang wala pa si Zsa Zsa na gusto na ring magka-apo sa anak niyang si Karylle.

German Moreno

Babalik na
Nice to hear again ang boses ni German Moreno sa kanyang radio program (“Walang Siesta”) sa DZBB. Na-phone-patched interview siya ng badingding na si John Fontanilla at pinasalamatan ni Kuya Germs ang mga taong tumulong sa kanya noong na-confine siya sa St. Luke’s Hospital. Nasa bahay na siya ngayon at nagpapagaling.

Pinasalamatan niya ang mga dumalaw sa kanya tulad ng Vera-Perez siblings, Gloria Romero, Sharon Cuneta, Nora Aunor, Lani Mercado, Dulce at marami pang iba. Kahit nakakulong sa PNP Custodial Center sina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada, nagpahatid sila ng mensahe at malasakit sa Master Showman.

Hindi nabanggit ni Kuya Germs kung nakadalaw na si Jake Vargas. Pero iprinomote naman niya ang pelikula ng kanyang alaga. Aniya’y panoorin ang “Liwang sa Dilim.” Gusto niyang panoorin ito, ani Kuya Germs.

Noong nakausap namin si Jake sa presscon, sinabi niyang hindi pa siya nakakadalaw sa kanyang tatay-tatayan cum manager dahil bawal daw.

Miss na miss na ni Kuya Germs ang showbiz happenings at aniya, malapit-lapit na siyang bumalik sa kanyang radio program at sa kanyang TV show, “Walang Tulugan with the Master Showman.”

Miss na rin namin si Kuya Germs sa showbiz presscons at interview ng mga artista.

Dadalo kaya?
Hindi kaya maapektuhan ang friendship nina Julia Barretto at Liza Soberano sa alitan ngayon ng kanyang mommy Marjorie at Tita Gretchen Barretto? Hindi diumano nagustuhan ni Marjorie ang pagpuri ni Gretchen kay Liza. Gandang-ganda siya sa star ng “Forevermore.”

May nakarating na tsika sa aming diumano’y may mas malalim pang dahilan ang feud ng Barretto sisters. Last year pa raw ’yun.

Magde-debut si Julia on March 10 at magandang abangan kung dadalo si Gretchen. Kapag wala siya, iisiping totoong may gap sila ni Marjorie.

Invited kaya si Liza? Abang-abang na lang pag may time.

comments