Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Heart vs Marian kaninong wedding mas bongga

Heart vs Marian kaninong wedding mas bongga

Heart Evanglista

BAKAS pa rin sa mukha ni Heart Evangelista ang kaligayahan kahit hindi sumipot ang mga magulang niya sa kasal nila ni Senator Chiz Escudero. Naging emotional lang siya noong wedding reception nila sa Balesin Island, Quezon. Ayon sa impormasyong nasagap namin, napaiyak si Heart sa sulat na ipinadala ng kanyang daddy (Reynaldo Ongpauco) sa pamamagitan ng mga kapatid niyang dumalo sa kasal niya.

Gustung-gusto ng daddy ni Heart na dumalo sa kanyang kasal at ihatid siya sa altar. Subalit dahil sa mga nakaraang pangyayari, naging hadlang ’yun sa pagpunta nito.

Umaasa ang daddy ni Heart na darating din ang tamang panahon na maaayos kung anuman ang hindi nila pinagkakasunduan.

Nangako ang daddy ni Heart na kapag nakita niyang pareho silang maligaya ni Sen. Chiz at nakita niya ang pagmamahal at pag-aalaga nito sa kanya, pupuntahan niya ang mga ito.

Common knowledge na malaki ang pagtutol ng mommy ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco sa relasyon nila ni Sen. Chiz. Coincidence na katunog ng pangalan nito ang anak na babae ni Sen. Chiz na si Maria Cecilia. Joaquin naman ang twin brother nito.

Ngayong Miyerkules ang isa pang wedding reception nina Sen. Chiz at Heart na gaganapin sa Blue Leaf Filipinas.

Bongga!
Sa ayaw at gusto nina Marian Rivera at Heart Evangelista, hindi maiwasang pagkumparahin ang kasal nila. Talagang nagpabonggahan sila. Pang-super rich ang venue nina Sen. Chiz at Heart sa Balesin Island, Quezon.

Kung inspired sa yumaong Princess Diana ang wedding gown ni Marian, inspired naman kay Princess Grace ng Monaco ang kay Heart. Parehong sosyal, di ba?

Ibang gown ang isinuot ni Heart sa kanilang wedding reception sa Balesin Island. Iba rin ang isusuot niya sa Manila wedding reception.

Parehong bongga rin ang kanilang wedding cakes. Mala-chandelier na may mga ilaw ang kina Sen. Chiz at Heart na ipinakita sa “Kapuso Mo, Jessica Soho.” Abangan sa GMA7 ang exclusive wedding coverage ng Escudero-Ongpauco nuptials. Kayo na ang magkumpara sa iba pang detalye sa kasal nina Sen. Chiz at Heart, Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Best friend
Kung hindi siguro nag-artista si Iñigo Pascual, mananatiling misteryo kung sino ang kanyang ina. Noong nag-guest siya sa “The Buzz” para mag-promote ng “Crazy Beautiful You,” nalamang Donnabelle Lazaro ang name ng kanyang mother na kasama niya sa studio. Ilang beses itong ipinokus ng kamera.

Parang hirap na hirap si Iñigo magsalita tungkol sa kanyang ina. Maybe if he had his choice, ayaw niyang pag-usapan ito. ’Andun kaya ang mama niya noong presscon ng “Crazy Beautiful You”? Hindi kasi ito kilala ng entertainment press.

Sino ba talaga?
Si Albie Casiño pa ang nagalit sa “pagbuhay” muli ng isyu kung sino ba talaga ang tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie. Kung hindi siya nagsalita sa presscon ng “Wattpad Presents,” eh, di hindi na sana naungkat muli ’yun.

Three years siyang nanahimik tungkol sa isyu at panay ang iwas niya sa press. Sana pinanindigan na niya at hindi na siya nagsalita noong presscon kahit pa kulit-kulitin siya.

Reaction tuloy ni Jake Ejercito na pinagdududahang tunay na ama ni Ellie, ginagamit lang daw ni Albie ang bata para sa promotion ng project nito.

Sabi naman ni Andi, never siyang humingi ng kahit ano pa man mula kay Albie dahil hindi niya ito kailangan, whether siya o hindi ang tatay ng kanyang anak. Di ba dapat, once and for all, sabihin na ni Andi kung sino talaga? Enough na ang guessing game.

comments