Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Anjanette Abayari nagpasabog

Anjanette Abayari nagpasabog

DIego Loyzaga

KASAMA si Diego Castro sa “Pari ’Koy” na pagbibidahan ni Dingdong Dantes. Isang pari rin ang role ni Diego at nai-post ni Dingdong sa kanyang Instagram account ang magkasamang pictures nila ni Diego na naka-abito sila ng pari. Pagka-guguwapong mga pari nina Dingdong at Diego.

Nagkasama sila noon sa TGIS at “Gimik,” mga youth-oriented shows ng GMA7. Those were the days na sina Dingdong at Diego ay mga teen-idol. Now, pareho na silang liyebo tres at may kanya-kanya nang partners sa buhay.

Tatay na si Diego, samantalang si Dingdong ay excited nang maging tatay. Gusto niyang magka-baby na sila this year ng pretty wife niyang si Marian Rivera.

Marian Rivera and Dingdong Dantes

False alarm
Natsikang diumano’y delayed ang monthly period ni Marian. False alarm pala na buntis na ang misis ni Dingdong Dantes. May gagawing bagong teleserye ang Kapuso Primetime Queen at nag-look test na si Marian para sa karakter na gagampanan niya bilang isang tomboy.

Kung guwapong pari si Dingdong sa “Pari ’Koy,” kay gandang tomboy naman ni Marian sa bago niyang teleserye. kung hindi magbabago ang pamagat nito ay “The Richman’s Daughter.” (TRD) Parehong first time gumanap ng Primetime King and Queen ng kakaibang roles sa magkahiwalay nilang teleserye sa GMA7.

Mauunang ipalabas ang “Pari ’Koy” na magsisimula ang airing next month. By April naman, magsisimula ang TRD kung saan kasama sa cast sina Katrina Halili, Glaiza de Castro, Luis Alandy, TJ Trinidad, Gloria Romero, Mike Tan, Al Tantay at Jonee Gamboa. Mula sa direksiyon ni Dominic Zapata at head writer naman si Suzette Doctolero.

What if, sa kalagitnaan ng istorya ng TRD ay mabuntis si Marian? Ipagpatuloy pa kaya niya ang pagti-taping? Sabagay, may mga tomboy namang nabubuntis. Baka gawin ng writer ng teleserye ’yung ginawa sa karakter ni Regine Velasquez sa “I Heart You Pare.” Noong nabuntis siya, pinalitan siya ni Iza Calzado. Pero hindi inalis ang karakter niya at mineyk-over lang ang kanyang mukha.

Pasabog
Kailangan ba talagang magpasabog kung gustong bumalik sa showbiz ng isang artista o singer? Gusto diumanong magbalik sa Pilipinas ng dating sexy star na si Anjanette Abayari na matagal nang naka-base sa United States. Nasangkot siya noon sa kasong droga sa Guam.

Matatandaang nakarelasyon ni Anjanette sina Edu Manzano at David Bunevacz na present partner ni Jessica Rodriguez. Naka-base na rin sila sa US. May pasabog si Anjanette tungkol kay David na matapang niyang ipinahayag sa “Startalk.”

Diumano, ayon kay Anjanette, may mga gamit siyang ibinenta noon ni David. ’Yun daw condominium unit niya ay tinangkang ibenta nito. Naagapan lang daw at nagawan ng paraan, kaya hindi natuloy ang bentahan.

Pati raw ’yung kotse niya ay ibinenta ni David. Pero na-recover ’yun at naibalik sa kanya sa tulong ng kanyang uncle na general, ayon pa kay Anjanette.

Mabigat ang mga akusasyon ni Anjanette laban kay David. Palampasin kaya niya ’yun? O, magbigay rin kaya siya ng pahayag bilang depensa sa kanyang sarili? Nangangamoy ang panibagong kontrobersiya sa showbiz kahit matagal na sa kamalayan ng mga Pinoy sina Anjanette at David. Para-paraan lang naman ’yan sa pag-iingay!

comments