Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Cesar vs Sunshine: Sino’ng nagsasabi ng totoo?

Cesar vs Sunshine: Sino’ng nagsasabi ng totoo?

SANA nama’y matuloy na ang throat surgery ni Nora Aunor dahil sasagutin naman nina Boy Abunda at Kris Aquino ang magagastos niya. Sinabi ni Kris sa programa nila ni Boy (“The Buzz”) na sagot niya ang air fare ni Nora at hospitalization naman ang kay Boy.

Ngayong inako na nina Boy at Kris ang gastos, wala nang dahilan para hindi matuloy ang operasyon sa lalamunan ni La Aunor para manumbalik na ang kanyang golden voice at makakanta na siyang muli.

Tungkol sa walang kamatayang isyu kung ano ba talaga ang relasyon nina Nora at John Rendez, consistent ang superstar sa pagsabing wala raw namamagitan sa kanila. Parang anak lang daw ang turing niya kay John. Weh! Hindi nga? Kesyo ang bata-bata raw ni John.

Sabi pa ni La Aunor, never siyang iniwan ni John kahit noong nasa US siya kung saan 8 years siyang nanirahan. Parati niyang karamay si John sa lahat ng mga pinagdaanan niya sa buhay.

Ano kaya’ng reaction ni Lotlot de Leon sakaling napanood niya ang mga pahayag ng kanyang mama Guy? Ni hindi pa yata sila nagkikita since bumalik sa Pilipinas si Guy.

sunshine cruz

Magkaayos sana
Sino kaya ang nagsasabi ng totoo between Cesar Montano and Sunshine Cruz? Mabigat ang paratang ni Sunshine laban sa kanyang estranged husband na sangkot pa ang tatlo nilang anak na babae. Nakakaawa ang mga bata dahil hindi sila dapat nadadamay sa away ng kanilang mga magulang.

Ano kaya ang sinasabi ng teachers, schoolmates at classmates ng kanilang mga anak kapag nasa eskuwelahan ang mga ito? Wala kayang nambu-bully sa kanila? Did we hear it right na dahil sa sensitive issue na posible diumanong magdulot ng trauma sa mga bata, sumasailalim ang mga ito sa psychological at psychiatric therapy?

Cesar Montano

If only for their daughters, sana naman ay magkaayos na sina Cesar at Sunshine. Ang mga ito ang naaapektuhan lalo pa’t may sapat na rin namang pag-iisip ang mga ito. Dalaginding na ang panganay nila.

Kung malabo na talagang magkabalikan sina Cesar at Sunshine, sana naman ay maging maayos ang paghihiwalay nila. Wala nang siraan. Walang bitterness at hatred sa mga puso nila.

Tatanggapin muli kung…
Sino naman kaya ang nagsisinungaling kina Xian Lim at Governor Joey Salceda? Sabi ni Xian, siya ang dapat paniwalaan dahil nagsasabi siya ng totoo. Aniya, nagpunta siya sa Albay para magpasaya at hindi mambastos. Aniya pa, taga-Bicol ang kanyang lola at daddy.

Sa kabila ng mga paliwanag ni Xian, nega pa rin ang dating niya sa karamihan. Pero si Kim Chiu, todo ang suporta sa kanyang ka-love team. Huwag daw agad manghusga ng tao, lalo na kung wala naman doon at hindi nasaksihan ang tunay na nangyari.

Nag-public apology na si Xian at tinanggap naman ’yun ni Gov. Salceda. Kaya lang, may 12 challenges siyang dapat gawin para tanggapin siyang muli ng mga taga-Albay. Kayanin kaya ni Xian ang mga ’yun na lumabas sa isang tabloid?

And more
Na-pack-up ang taping ng “Once Upon a Kiss” last week dahil nagkasakit si Bianca Umali. Nagpunta na lang ang ka-love team niyang si Miguel Tanfelix sa Lago de Oro, Calatagan, Batangas kasama ang kanyang pamilya.

Nag-wake boarding si Miguel. Nanghinayang siya dahil hindi niya nakasama si Bianca. Aniya, kapag nagka-free time sila, dadalhin niya roon si Bianca.

Getting better na si Yasmien Kurdi at nag-thank you siya sa kanyang Instagram account sa mga taong nagdasal para gumaling agad siya sa sakit niyang dengue. Miss na nga raw niya ang taping ng “Yagit.” Soon ay balik-trabaho na si Yasmien. Nagpapalakas pa lang siya ng katawan.

comments