Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jake Vargas vindicated

Jake Vargas vindicated

JAKE Vargas

ANO kaya ang masasabi ng isang direktor sa nomination ni Jake Vargas bilang movie supporting actor sa gaganaping 31st Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC)? Nominated ang young Kapuso actor para sa pelikulang “Asintado” na dinirek ni Louie Ignacio.

Matatandaang a few years ago ay sinigawan ng isang direktor si Jake at nilait ang kanyang akting. Kung anu-ano pang masasamang salita ang sinabi nito kay Jake. Ipinahiya siya sa harap ng maraming taong nasa set ng isang teleseryeng ginawa niya noon.

Dahil dito sinugod si direk ni German Moreno, tatay-tatayan cum manager ni Jake. Since then, hindi na nagkatrabaho si Jake at si direk.

And now, na-recognize ng PMPC ang performance ni Jake sa “Asintado.” Malaking karangalan ’yun para sa kanya na makahanay ang iba pang co-nominees niyang sina Marc Abaya (“Sundalong Kanin”), Gabby Eigenmann (“Asintado”), Richard Gomez (“The Janitor”), Vincent de Jesus (“The Trial”), Nico Manalo (“The Janitor”) at Jess Mendoza (“Alienasyon”).

For sure, sobrang happy and proud si Kuya Germs sa nomination ni Jake. At least, vindicated si Jake sa panlalait ng direktor na nakatrabaho niya noon sa isang teleserye ng GMA7. Nag-level up na ang akting niya. Sa March 8 ang Awards Night na gaganapin sa Solaire Hotel Resort.

Magagaling
Natutuwa ang mga tagasubaybay ng “Once Upon a Kiss” na bumait na ang karakter ni Michael de Mesa bilang King. Sana raw ay tuluy-tuloy na ang pagbabago ni King. Ang galing-galing naman talaga mag-switch ng karakter ni Michael. Kaiinisan mo siya talaga kapag bad guy siya at katutuwaan mo naman kapag good guy.

Magaling din si Mylene Dizon na bait-baitan bilang Giselle sa mga anak niyang sina Miguel Tanfelix at Mariel Pamintuan, subalit kamumuhian mo bilang kaaway ni Manilyn Reynes (Aurora).

LJ Reyes

Happy heart na
Happy heart at inspired ngayon si LJ Reyes. Kaya pala blooming siya. Sino kaya ang nagpapasaya ng puso niya ngayon? Si JC de Vera o si Renz Fernandez na co-star niya sa “Yagit”?

Noong nag-guest si LJ sa “Celebrity Bluff” ay tinanong siya ni Eugene Domingo kung Fact or Bluff ba ang kanyang lovelife. Fact ang nakangiting sagot ni LJ. So, ibig sabihin, may lovelife na siya ngayon. May kapalit na sa puso niya ang ex-boyfriend niyang si Paulo Avelino.

Happy nga pala ang cast ng “Yagit” sa patuloy na pagsubaybay sa kanilang afternoon drama series sa GMA7. Maganda ang feedback sa naturang programa kaya lalong inspirado ang cast sa pagtatrabaho, lalo pa’t dinig nila’y extended ang “Yagit.”

comments