Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kris says Mayor HB offered her marriage

Kris says Mayor HB offered her marriage

Mayor Herbert Bautista

ANO kayang reaction ni Mayor Herbert Bautista sa bagong pasabog ni Kris Aquino na kesyo, inalok daw niya ito ng kasal? Aminin niya kaya ito o deadma na lang siya? After almost a year, saka lang ipinaalam ito ni Kris sa madlang pipol. April of last year daw siya niyayang magpakasal ni Mayor HB.

For the longest time, nailihim ni Kris ang pag-alok ng kasal sa kanya ni Mayor HB. Marami tuloy ang nagtatanong, bakit ngayon lang ito sinabi ni Kris? Ano raw bang motibo niya sa bagong pasabog niyang ito tungkol sa naging relasyon nila ni Mayor HB?

Just curious, ano naman kaya ang reaction ni Tates Gana, ang kinikilalang “mayora” ng QC at ina ng dalawang anak nila ni Mayor HB na sina Athena at Harvey. May kurot kaya sa kanyang puso dahil for the longest time ay umasa siyang alukin ng kasal ni Mayor HB.

julia barretto

Invited kaya?
Ano naman kaya ang motibo ni Julia Barretto o may nag-utos kaya sa kanyang ipost sa kanyang Instagram account ang magkasamang picture nila ng kanyang papa Dennis Padilla? May caption pang, “Papa being his comedian self.” Bago kaya o lumang larawan nilang mag-ama ’yun? Saan at kailan kuha ’yun?

Turning 18 si Julia on March 10 at isang engrandeng birthday party ang gaganapin at out na ang invitations. Pinadalhan na kaya si Dennis? Dumalo kaya siya, sakaling inimbita siya sa debut ng kanyang anak? Abang-abang na lang pag may time.

Hindi tuloy maiwasan isiping “nagpapabango” ng image si Julia sa pag-post niya sa kanyang IG ng picture nilang mag-ama. Nega kasi ang dating niya simula nang palitan niya ang apelyido niyang Baldivia (her papa’s real surname) sa Barretto. Nasundan pa ’yun ng diumano’y pangde-deadma niya sa kanyang papa noong nagkita sila sa Christmas Party last year ng ABS-CBN.

jazz ocampo

Latest addition
Ang 17-year-old model-turned actress na si Jazz Ocampo ang latest addition sa stable of talents ng GMA Artist Center Talents. First show ni Jazz sa Kapuso Network ang “InstaDad” at aniya, “I’m happy to be part of it. I’m looking forward to be working with my co-stars.”

Tampok sa “InstaDad” sina Gabby Eigenmann, Ash Ortega, Juancho Trivino, Gabbi Garcia, Prince Villanueva at Matet de Leon. Mula sa direksiyon ni Neal del Rosario, mapapanood ito every Sunday simula March 8 pagkatapos ng SAS (“Sunday All Stars”).

Spanish-Filipino-American si Jazz at aniya, maraming teenagers like her ang makaka-relate sa “InstaDad” dahil napapanahon ang tema nito. Tungkol ito sa iba’t ibang issues ng mga kabataan at kung paano nila haharapin ang mga problema.

comments