Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Third party involved in Jake-Bea breakup

Third party involved in Jake-Bea breakup

Jake Vargas

SO, inamin na rin ni Bea Binene na may third party involved sa breakup nila ni Jake Vargas. Aniya, non-showbiz girl yun, pero hindi niya sinabi kung paano niya nalaman. Hindi kaya taga-Olongapo ’yung girl na nabanggit sa amin noon ng isang taong malapit kay Jake?

Ayon kay Bea, napagod na siya sa paulit-ulit na sitwasyon at problema sa relasyon nila ni Jake. Ilang beses na niya itong binigyan ng pagkakataon para maisalba ang kanilang relasyon.

Bukod sa non-showbiz girl, may tsika namang nakarating sa amin na diumano’y ’yung pagiging palabarkada ni Jake sa mga kababayan niya sa Olongapo ay isa rin sa dahilan ng breakup nila ni Bea. Kapag umuuwi raw si Jake sa Olongapo, wala itong inaatupag kungdi ang barkada. Wala kaming nakikitang masama roon, maliban na lang kung bad influence ang mga ito kay Jake. Natural lang na makipag-bonding si Jake sa barkada niya na kasama na niya noong hindi pa siya artista.

Almost three years ang naging relasyon nina Jake at Bea. Nagsalita na si Bea sa kanilang breakup. Si Jake, tahimik pa rin. Aminin kaya niya o i-deny na non-showbiz girl ang dahilan ng hiwalayan nila ni Bea?

Magkaayos din kaya?
Sana lang, may sinseridad sa puso ni Julia Barretto ang pakikipagbati niya sa kanyang papa Dennis Padilla. Hindi dahil malapit na ang kanyang debut party at para “bumango” ang kanyang image.

Nagkaayos na sina Dennis at Julia, what about her estranged parents? Magkasundo na rin kaya sina Dennis at Marjorie? Totoo kayang si Dennis ang first dance ni Julia sa kanyang debut on March 10 na gaganapin sa Shangri-La Makati?

What about Marjorie and Gretchen Barretto? Magkaayos na rin kaya ang feuding sisters? How true, nakikipag-ayos diumano si Marjorie sa isa pa niyang kaalitang kapatid na si Claudine? Kung dati’y sina Gretchen at Marjorie ang magkakampi laban kay Claudine, how true naman kaya na Marjorie and Claudine naman ngayon versus Gretchen?

Kapag hindi dumalo si Gretchen sa debut party ni Julia at kapag naroon naman si Claudine, ’yun na ’yun. Abang-abang na lang.

Balik-SAS
Balik-SAS (“Sunday All Stars”) ngayong Linggo si Aljur Abrenica. It seems, naayos na ang gulo between him and GMA7.

Ayon kay Aljur, hindi naman niya kinakalaban ang GMA Network, kungdi sumama lang ang loob niya sa ilang taong taga-GMA Artist Center na nagpapalakad ng kanyang career.

May mga bagay-bagay pang “pinaplantsa” para tuluyan nang maayos ang “gusot” sa pagitan ni Aljur at ng GMA.

Wedding special
Mapapanood ngayong Linggo sa SNBO (“Sunday Night Box-Office”) sa GMA ang first part ng wedding special nina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista. Pinamagatang “Chiz and Heart Love, Finally the Beginning of Forever,” matutunghayan ang wedding ceremony sa Balesin Island, Quezon, ang 30th birthday celebration at despedida de soltera ni Heart.

Sa March 8 mapapanood ang second part ng kanilang wedding special na pinamagatang “Chiz and Heart, Love Finally the Wedding Concert.” Ipapakita ang wedding reception sa The Blue Leaf Filipinas.

comments