Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Alex pupunuin ang Big Dome?

Alex pupunuin ang Big Dome?

Dingdong Dantes

PRESSCON tonight ng “Pari ’Koy” at first time haharap sa entertainment press si Dingdong Dantes ngayong may asawa na siya. Excited ang Kapuso Primetime King sa bago niyang teleserye kung saan first time siyang gaganap bilang isang pari.

Excited din ang press makitang muli si Dingdong and for sure, maraming tanong tungkol sa mga adjustment niya sa buhay may asawa. Kumusta si Marian Rivera bilang wife at kung may mga bago ba silang nadiskubre sa isa’t isa ngayong mag-asawa na sila?

Kasama sa cast ng “Pari ’Koy” sina Gabby Eigenmann, Sunshine Dizon, Chanda Romero, Jeric Gonzales, Carlo Gonzales, JC Tiuseco, Rap Fernandez, Luz Valdez, Dexter Doria, Hiro Peralta, Jillian Ward, etc. Mula ito sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes at mapapanood simula March 9 sa GMA Telebabad.

Alex Gonzaga

Mapuno kaya?
Kaya na bang punuin ni Alex Gonzaga ang Araneta Coliseum? Lakas naman ng loob at sobrang laki ng tiwala ng producer na gawin sa Big Dome ang kanyang first major concert ever sa April.

Baka naman sangkaterba ang guest performers para mapuno ang Araneta Coliseum? Malaking challenge ito kay Alex kung mapupuno niya ang Araneta Coliseum. Or else, baka magaya siya sa isang singer na flopsina ang first concert ever na ginanap sa isang malaking venue.

Maging Kapamilya kaya uli?
Naghihintay ang fans ni Nora Aunor sa project (o projects) na gagawin niya sa ABS-CBN ngayong si Angge na ang bago niyang manager. Matatandaang bago nagka-mild stroke si German Moreno ay nakipagnegosasyon siya sa Kapamilya Network para sa guesting ni Nora sa “Maalaala Mo Kaya.”

Hindi na ’yun na-follow up ng Master Showman dahil nagkasakit siya at kinailangan niyang magpahinga muna. Patuloy pa rin hanggang ngayon ang pagte-therapy kay Kuya Germs.

Nakapag-guest na si Nora sa “The Buzz” at sana’y masundan pa ang kanyang guestings sa iba’t ibang programa ng Dos habang wala pa siyang regular show. Talent coordinator si Angge ng maraming shows ng Kapamilya Network, kaya maaari niyang isama ang superstar.

Kailan naman kaya magpapa-schedule si La Aunor para sa kanyang throat surgery sa Boston, USA? Sinagot na ni Kris Aquino ang kanyang air fare at hospitalization naman ang kay Boy Abunda. Tutulong din daw si Coco Martin na ikinumit na ni Kris.

comments