Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Maja says she made plans to apologize to Kim on Gerald

Maja says she made plans to apologize to Kim on Gerald

Suicide attempt nga ba o aksidenteng nabaril ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang kanyang sarili?

Isinugod siya sa Asian Hospital sa Muntinlupa City. As of press time, stable na diumano ang kalagayan ng anak nina Senator Bong Revilla at Rep. Lani Mercado.

Ayon sa naglabasang report, diumano’y naglilinis si vice gov. ng baril nang aksidenteng nakalabit niya ang gatilyo at tumama ang bala nito sa kanyang kanang dibdib. Sa isang report naman, diumano’y nagtangkang magpakamatay si vice gov. at nagbaril sa sarili dahil diumano sa depression.

Diumano pa rin, sobrang naapektuhan si vice gov. sa kinasasangkutang kontrobersiya ng kanyang daddy Bong kaugnay ng PDAF scam. Nakakulong ang senador sa PNP Custodial Center na diumano’y ikina-depress ni Vice Gov. Jolo. Sobrang close raw kasi ito sa ama.

Ayon pa sa report, nakadagdag diumano sa depression ni Vice Gov. Jolo ang balitang diumano’y ililipat sa regular prison cell ang kanyang daddy dahil diumano’y pinuntahan nito si Sen. Juan Ponce Enrile sa PNP General Hospital para batiin sa nakaraang kaarawan nito.

Maja Salvador

Gustong mag-apologize
Ano kaya’ng reaction ni Kim Chiu sa sinabi ni Maja Salvador sa “The Buzz” na gusto nitong mag-apologize sa kanya noon? Gusto raw siyang kausapin ni Maja pero wala lang pagkakataon dahil saradong-sarado ang isip niya (Kim). Kaugnay ’yun ng pakikipag-relasyon ni Maja kay Gerald Anderson na ex-boyfriend ni Kim.

Ayon pa kay Maja, sobrang special pa rin sa kanya si Kim (bilang kaibigan) at kung pwede lang daw sanang maibalik ang lahat, ito’y gagawin niya. Ayon pa kay Maja, okey lang sa kanya na muling magkatrabaho sa isang project sina Gerald at Kim dahil marami pa ring fans ang dalawa.

Asked kung kaya ba niyang (Maja) i-give up ang kanyang career in favor of love, ani Maja, siguro raw after five years pa. By that time, “sila” pa rin kaya ni Gerald?

Pangakong napako
Si Kris Aquino kaya ang peg ni LJ Reyes? After almost a year, sinabi ni Kris na inalok siya ng kasal ni Mayor Herbert Bautista.

Matagal nang hiwalay sina LJ at Paulo Avelino at four years old na ang love child nilang si Aki pero now lang sinabi ng una na inalok daw siya ng kasal ni Paulo.

Ani LJ, noong nabuntis siya’y pinangako raw ni Paulo na pakakasalan siya nito. Noong malapit na raw siyang manganak sa US ay nangako rin daw si Paulo na susunod doon. Pero waley at no show ito.

We still remember nang nakausap naming si Paulo sa isang presscon noon na sinabi nga niyang susunod siya kay LJ sa US dahil gusto niyang nasa tabi siya nito sa oras ng panganganak nito. Pero hindi naaprubahan ang US visa ni Paulo, kaya hindi siya nakasunod noon kay LJ.

Noong bumalik si LJ sa Pilipinas with their baby ay nag-live-in na sila ni Paulo. Naiba ang sitwasyon noong lumipat si Paulo sa ABS-CBN hanggang nagkalabuan ang relasyon nila ni LJ.

Separate lives na sila ngayon at nali-link si LJ kay JC de Vera. Out na ba sa picture si Renz Fernandez na co-star ni LJ sa “Yagit”? O, press release lang ang pagli-link sa kanila? Well…

comments