Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Isyung Marian-Dong-Karylle hindi mamatay-matay

Isyung Marian-Dong-Karylle hindi mamatay-matay

Marian Rivera and Dingdong Dantes2

PARE-PAREHO nang may asawa sina Marian Rivera, Heart Evangelista at Karylle at sabi nga nila’y happily married sila sa respective husbands nilang sina Dingdong Dantes, Senator Chiz Escudero at Yael Yuson. Pero ayaw pa rin silang tantanan ng intriga.

Pinagkukumpara pa rin ang kasal nina Marian at Heart. Hindi pa rin naaayos ang conflict sa kanila na nagsimula noong nagkasama sila sa “Temptation Island.”

Hindi pa rin “mamatay-matay” ang isyung “agawan ng boyfriend” na naungkat ni Vice Ganda sa “It’s Showtime.” Bagaman, hindi binanggit ang pangalan ni Dingdong Dantes, obvious namang siya ang tinukoy na ex-boyfriend ni Karylle na nag-two-time sa kanya.

Maang-maangan naman si Marian at aniya, ayaw niyang mag-assume na mister niya ’yun dahil wala naman daw binanggit na pangalan sa biruan nina Vice at Karylle.

Hindi naman ’yun ang unang pagkakataong nagkabiruan sa “It’s Showtime” tungkol kina Dingdong at Karylle. We remember, nagdi-dingdong ang mga kasama ni Karylle kapag pinagtitripan siya noon ng mga ito.

Move on, move on na lang sana pag may time. To each his own na ngayon sina Dingdong at Karylle. Past is past. Huwag nang mag-throwback.

Together pa rin
Very much together pa rin sina Cavite Vice Governor Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria, taliwas sa mga haka-hakang break na sila. Nakapunta agad si Jodi noong nalaman niyang isinugod sa Asian Hospital si VG Jolo sanhi ng diumano’y aksidenteng pagkabaril nito sa sarili. May isa pang version na diumano’y nagtangkang magpakamatay si VG Jolo dala ng depression.

Binantayan din ni Jodi si VG Jolo matapos itong operahan. Nilagyan si VG Jolo ng chest tube at kalahating litro ng dugo ang natanggal sa kanyang lungs.

Dasal ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit, pati na rin kami, na harinawang malampasan ng pamilya Revilla ang matinding pagsubok na pinagdaraanan nila ngayon. Kapit lang sa Panginoon, huwag bibitiw!

Bianca Umali

Birthday girl
Walang taping ng “Once Upon a Kiss” sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali noong Lunes (March 2) na nagkataong 15th birthday ni Bianca. Isang wristwatch ang regalo sa kanya ni Miguel.

Noong Linggo (March 1) ay nagkaroon ng production number sina Miguel at Bianca sa SAS (“Sunday All Stars”) para sa kanyang birthday celebration. “Ang babaeng pinakamalapit sa akin,” wika ni Miguel.

Marami ang nagsasabi at nakakapansin na tila raw nagkakadebelopan na ang Kapuso teen stars dahil halos araw-araw ay magkasama sila. Bukod sa OUAK, nagte-taping din sila ng “Ismol Family.” Magkasama rin sina Miguel at Bianca sa regional shows ng GMA.

Tuwang-tuwa naman ang cast ng “Yagit” dahil balitang extended ang naturang afternoon drama ng GMA7. Kaabang-abang ang mga inihanda nilang sorpresa, kaya tutok lang mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “The Half Sisters.”

Balik-taping na si Yasmien Kurdi matapos siyang ma-dengue. Ilang araw din siyang na-confine sa St. Luke’s Hospital, Global City.

comments