Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Rap doesn’t want mom LT to remarry

Rap doesn’t want mom LT to remarry

Rap Fernandez

TOUCHING moment ang pagkikita ng mag-amang Senator Bong Revilla at Cavite Vice Governor Jolo Revilla. Ayon sa mga nakasaksi, parang eksena sa pelikula noong dinalaw ni Sen. Bong ang anak sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City.

Ayon kay Lolit Solis na malapit sa pamilya Revilla, nag-sorry sa isa’t isa ang mag-ama. “Nag-sorry si Jolo dahil nakadagdag pa siya sa problemang kinakaharap ng kanilang pamilya. Nag-sorry naman si Bong dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi mangyayari ’yun kay Jolo,” words to that effect na sabi ni Lolit sa isang radio interview.

Ang girlfriend ni VG Jolo na si Jodi Sta. Maria ay parating nasa hospital. Ito raw ang nagpapalit ng bandage sa dibdib ng boyfriend.

Magiging kontrabida
Sakaling ma-in love at gustong magpakasal muli ni Lorna Tolentino, mahihirapan siyang makuha ang approval ng panganay nilang anak ng late husband niyang si Rudy Fernandez na si Rap.

“Magiging kontrabida ako sa mama ko. Ayoko na siyang mag-asawang muli. Gusto kong sila na lang ni papa hanggang dumating ang araw na magkita silang muli sa langit,” mariing sabi ni Rap nang nakausap namin sa presscon ng “Pari Koy.”

Sa bahay pa rin ng mama niya sa White Plains, QC nakatira si Rap kasama ang bunsong kapatid na si Renz. Ang 3-year-old daughter ni Rap na si Tori ay nasa Parañaque with her mom. Tuwing weekend ay nasa bahay nila ang bagets at ani Rap, ito ang nagpapasaya sa kanyang mama LT. Super love ni lola LT ang apo.

Nag-aral ng filmmaking si Rap at aniya, dream niyang maidirek nang sama-sama sa isang project silang magkakapatid — siya, si Renz at ang kanilang Kuya Mark (anak ni Rudy kay Alma Moreno) together with their mama LT.

For now, nag-e-enjoy siya sa pag-aartista, ani Rap. Matiyaga raw siyang maghintay sa set kahit ilang oras bago siya makunan. Hindi raw siya naiinip.

In “Pari Koy,” Rap plays Solomon “Sol” Castillo, loyal na tauhan ni Jude Banal (Gabby Eigenmann). Sa Lunes (March 9) na mapapanood ang “Pari Koy” pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA7.

Siya ang lumapit
Si Aljur Abrenica pala ang diumano’y lumapit sa GMA para maka-appear siya sa SAS (“Sunday All Stars”) noong nakaraang Linggo (March 1).

Ito’y ayon sa isang source na siya ring nagsabing hindi porque lumabas na si Aljur sa naturang musical-variety show ay naayos na ang gulo between him and GMA Network. Hindi pa rin daw tapos ang kasong ng hunk actor kaugnay ng pamamahala sa kanyang career.

May existing contract pa si Aljur sa GMA hanggang 2016. Nevertheless, natuwa ang kanyang fans na muli siyang nakita sa TV. Sana raw ay mag-guest siya sa iba’t ibang Kapuso shows.

Nag-swimming
NAI-post ni Bianca Umali sa kanyang Instagram account ang Fossil wristwatch na birthday gift sa kanya ni Miguel Tanfelix. Wala silang taping ng “Once Upon a Kiss” noong Monday (March 2) na mismong birthday ni Bianca, kaya nag-swimming na lang sila ni Miguel sa isang clubhouse sa Sucat, Parañaque. Kasama nila si Miggy Jimenez na co-star nila sa OUAK.

Nag-post naman si Miguel ng message niya for Bianca sa kanyang IG ng ganito: “Bianca! Myti! Ilong! Ummm…Happy Birthday! Nagustuhan mo sana ’yung surprise gift ko for you. Di na ako masyadong magme-message sa ’yo. Alam mo na ’yun! Uuuuuyy!… Wag ka nang magtampo… Happy Birthday Maria Isadora Bianca Soler Umali !!!”

comments