Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Yassi happy being single

Yassi happy being single

NAKA-move on na si Yassi Pressman sa break-up nila ni Sef Cadayona at aniya, na-realize niyang mas importante ang pagmamahal sa sarili. Loveless pa rin ngayon si Yassi, pero happy naman daw siya being single. May mga nagpaparamdan sa kanya na non-showbiz guys, pero ayaw muna niyang makipagrelasyon muli at career muna ang focus niya.

Yassi PressmanWala siyang network contract, kaya pwede siyang lumabas kahit saang network. Four years na si Yassi sa GMA7, pero per show lang ang contract niya roon.

Nakalabas na siya sa TV5 at una siyang napanood sa “Wattpad Presents: Mr. Popular Meets Nobody Book 2.” For the second time, mapapanood si Yassi sa “Wattpad Presents: My Fiance Since Birth,” kapareha si Vin Abrenica. Based ito sa Wattpad novel originally written by kagome Anna, which now has over 4 million reads and 36.2k votes sa popular online app, “Wattpad Presents: My Fiance Since Birth.”

First time nagkatrabaho sina Vin at Yassi at anang huli, matagal na silang magkakilala, kaya komportable agad sila sa isa’t isa. Sa Subic sila nag-taping for two days at nag-enjoy sila kahit pagod at puyat sila sa buong araw at magdamagang trabaho.

Week-long mini-series ang “Wattpad Presents: My Fiance Since Birth” na mapapanood simula sa March 9 at 9 p.m. sa TV5. Tampok din sina Jenny Miller, JC Parker, Juan Paolo Romero at Anton Bernardo.

Friends pa rin
Si GB Sampedro ang direktor ng “Wattpad Presents: My Fiance Since Birth.” Aniya, maraming kilig at sweet moments sina Yassi at Vin. “Pareho silang professional at prepared pag dumarating sa set. Masarap at magaan silang katrabaho. Masaya kami sa set,” ani direk GB.

Siyempre, hindi siya nakaligtas sa pang-uurirat ng press tungkol sa kanila ni Ritz Azul. Naging “item” sila noong nagkatrabaho sila sa isang TV series ng Kapatid Network.

“Priority niya kasi ang kanyang career. Ayoko namang makahadlang sa mga pangarap niya at gusto niyang gawin para sa kanyang career. Bata pa siya, marami pang magagandang pagkakataong naghihintay sa kanya. Basta ako, ’andito lang. Friends pa rin naman kami,” words to that effect na pahayag ni direk GB.

Pero iba ang sinabi sa amin ni Ritz noong nakausap namin siya kamakailan. Aniya, bigla na lang daw nawala at hindi nagparamdam sa kanya si direk GB. Oh, well!

Birthday boy
Sa halip na magkaroon ng birthday party, mas pinili ni Luis Alandy makapiling ang mga batang ulila sa Manila Boystown Complex sa Marikina City noong Feb. 28. Mga limampung batang may edad mula 7 hanggang 15 ang pinasaya ni Luis sa kanyang 34th birthday. Nagkaroon ng kantahan, sayawan at fun games na ang host ay si Tess Bomb.

Andu’n din at nakisaya ang parents at mga kapatid ni Luis. By the way, kasama ang Kapuso actor sa “The Rich Man’s Daughter” na pinangungunahan ni Marian Rivera.

Mall show
Abangan mamayang 6 p.m. ang mall show sa SM Dasmariñas ng “Once Upon a Kiss” stars na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali kasama sina Betong Sumaya, Sabrina Mann at Miggy Jimenez.

May bagong karakter sa OUAK, si Luigi Revilla na gumaganap bilang John, kaibigan ni Prince (Miguel Tanfelix). Kumuha na nga pala si Miguel ng NAT exams sa Cavite School of Life para makapag-college siya sa susunod na pasukan.

High school graduation ni Miguel on March 23 at excited na siyang mag-marcha kasama ang batchmates niya. Excited din siyang umakyat ng stage para tanggapin ang high school diploma. Congratulations!

comments