Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Vin Abrenica in hot seat

Vin Abrenica in hot seat

Vin Abrenica

FEELING nasa hot seat si Vin Abrenica nang tanungin siya ng press kung totoo bang nagkabalikan ang kanyang Kuya Aljur at Kylie Padilla. Sobrang lamig ng air-con sa studio ng TV5, pero parang init na init si Vin sa mga tanong sa kanya noong presscon ng “Wattpad Presents: My Fiance Since Birth.”

“Para akong nasa hot seat (laughs),” ani Vin. “Ewan ko. Hindi ako sure kung nagkabalikan sila. Wala akong alam. Basta masaya ako na nakabalik na si Kuya sa SAS (“Sunday All Stars”). Sana, tuluy-tuloy na. Sana, maayos na rin ’yung gusot sa kanila ng GMA.”

Kinumusta rin kay Vin si Louise delos Reyes at kung kanino ba siya boto, kay Louise o kay Kylie. “Pareho naman silang mabait. Ayoko silang pagkumparahin (laughs). Ayokong magsalita. Pagagalitan ako ni Kuya (laughs),” words to that effect na sabi ni Vin.

Nang tanungin naman si Vin kung ilang years na sila together ng GF niyang si Sophie Albert, ayaw niyang sabihin dahil ayaw niyang magbilang. Basta aniya, going strong ang kanilang relasyon.

Si Yassi Pressman ang love interest ni Vin sa “Wattpad Presents” My Fiance Since Birth” at ani Vin, hindi naman nagselos ang GF niya kay Yassi.

May mga kilig at sweet moments sina Vin at Yassi at anang Kapatid actor, naintindihan ni Sophie na trabaho lang ’yun. “Artista rin kasi siya (Sophie),” he said.

Simula ngayong Lunes ang airing ng naturang week-long mini-series na mapapanood sa TV5 at 9 p.m.

Batugan, lasenggo
Inalis si JC Tiuseco sa “The Half Sisters” dahil isinama siya sa cast ng “Pari Koy.” He plays Timo Espiritu, hari ng tambay sa Bgy. Pinagpala, batugan, lasenggo at basagulero. Tahimik kapag hindi naka-inom.

Ani, JC, hindi siya umiinom sa totoong buhay, kaya challenging sa kanya ang role na ginagampanan niya sa PK. Peg niya ang mga kaibigan niyang malakas uminom.

Si Popoy Caritativo ang bagong manager ni JC, pero wala silang written contract, verbal lang. Siya ang bagong “kapatid” nina Dennis Trillo, Tom Rodriguez at Rafael Rosell na si Popoy rin ang manager. Si Jonas Gaffud ng Mercator Artist & Model Management ang dating manager ni JC.

Simula na mamaya ng “Pari Koy” pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA Telebabad. Abangan ang bonggang opening kung saan may battle of the bands, kasali ang grupo ni Father Kokoy (Dingdong Dantes). Guests sina Kris Bernal at Mark Herras bilang bride and groom na ikakasal ni Father Kokoy.

Pagkatapos magkasal, nag-house blessing naman si Father Kokoy, tumulong sa paggawa ng adoration chapel, nag-jogging, tumulong sa paggawa ng tinapay at nag-feeding program pa.

comments