Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ogie on Venus: ‘Baklang-bakla’

Ogie on Venus: ‘Baklang-bakla’

OGIE Alcasid

SA March 14 na ang umpisa ng “Rising Stars Philippines,” hosted by Ogie Alcasid and Venus Raj. Roving reporter naman si Mico Aytona at judges sina Jimmy Bondoc, Nina at Papa Jack. Mapapanood ito sa TV5 every Saturday and Sunday, 9 to 10 p.m.

Ang kaibahan nito sa mga singing competition ngayon ay hindi na kailangang pumila ang mga gustong mag-audition. Pwedeng mag-record ng kanilang kanta sa kanilang android phones o tablet at i-send sa Rising Stars Phils. website (www.rising stars.ph). Open ito sa mga Pinoy, edad mula 13 pataas.

Matapos ang ilang buwang screenings, on-line votings at eliminations, nakapili na ng 12 finalists para sa unang apat na episodes na mapapanood. Ongoing ang on-line auditions hanggang March 18.

“The contestants are very raw. Pwedeng pakinangin ang kanilang mga bituin. There is no doubt, all of them are very good, but we are looking for a rising star. That is another ingredient we are looking for,” pahayag ni Ogie sa presscon.

Kumusta namang katrabaho si Venus Raj? “Sumasakit ang batok ko sa katitingala. Ang tangkad kasi niya,” joke ni Ogie. “Baklang-bakla rin pala siya. I mean, may sense of humor si Venus. At magaling din pala siyang kumanta.”

Tanggap na
Tanggap na ni Hiro Peralta na si Kiko Estrada ang nagpapasaya ng puso ngayon ni Kim Rodriguez. Nagkaroon ng “something” sina Hiro at Kim noong nagkasama sila at naging magka-love team sa “Tweenhearts.”

Naudlot ang “something” nila nang bigyan sila ng GMA ng magkahiwalay na projects, hanggang ipareha si Kim sa ibang Kapuso actors. Na-link si Kim kay Kiko hanggang may nabuong magandang pagtitinginan sa kanila off-camera.

Inamin ni Hiro, slightly hurt siya, lalo na nang ipareha si Kim kay Kiko sa “Strawberry Lane.” Aniya, siya raw dapat ang kapareha ni Kim, pero si Kiko ang ipinalit sa kanya.

In any case, may bagong teleserye si Hiro at kasama siya sa “Pari Koy” kung saan closet gay na kapatid ni Dingdong Dantes ang kanyang role. Nagsimula na ito kagabi pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA Telebabad kung saan kasama rin ang child star na si David Remo na gumaganap bilang Pinggoy. Makulit at pilyong bata siya sa serye na mapapalapit kay Father Kokoy at makakapalagayang-loob nito.

Ano kaya ang magiging mahalagang papel ni Pinggoy sa mga hamon ng buhay ni Father Kokoy? Tutok lang sa “Pari Koy” mula Lunes hanggang Biyernes.

comments