Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jake has Bea’s tattooed name removed from his arm

Jake has Bea’s tattooed name removed from his arm

JAKE Vargas

INA Mark Anthony Fernandez at Romnick Sarmenta ang naalala namin sa pagpabura ni Jake Vargas ng ipina-tattoo niyang pangalan ni Bea Binene sa kanyang braso. Nagpa-tattoo si Mark ng pangalan ni Claudine Barretto that time na together pa sila. Nagpa-tattoo rin si Romnick ng pangalan ni Sheryl Cruz noong “sila” pa.

Noong nag-break sina Mark at Claudine, Romnick at Sheryl, ipinabura nina Mark at Romnick o pinapatungan ng ibang design ang pangalan ng kanilang ex-GFs.

Tinuldukan na ni Jake ang relasyon nila ni Bea at mukhang wala na siyang intensiyong makipag-ayos sa ex-GF. Hindi rin siya nagsalita tungkol sa diumano’y third party involved sa hiwalayan nila ni Bea.

Life goes on for Bea at hindi niya hinahayaang maapektuhan ang kanyang career kahit heartbroken siya. Kasama na siya sa cast ng “Yagit” at ginagampanan niya ang karakter na Jam. Magiging kakampi siya ni Elisa (Chlaui Malayao).

Extended ang naturang afternoon series ng GMA7 at wish ni Bea na kasama pa rin siya hanggang sa pagtatapos nito. Enjoy siyang katrabaho ang mga batang yagit at happy si Bea na muling makatrabaho si direk Gina Alajar. Nagkatrabaho sila noon sa “Tweenhearts” at aniya, parang second mother na niya ito.

Memorable
Memorable kay Jillian Ward ang kanyang 10th birthday dahil kasama niyang nag-celebrate ang mga batang nasa pangangalaga ng Kids of Onesimo Bulilit Foundation. Non-profit, non-governmental organization ito na nangangasiwa sa mga pangangailangan ng mga street children and their respective families.

Kasama ni Jillian ang mga bata sa Star City kung saan nag-enjoy ang mga ito sa iba’t ibang rides. Nagkaroon din ng fun games at entertainment. Sinamahan si Jillian ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa naturang charity event.

Kasama si Jillian sa cast ng “Pari Koy” at gumaganap siya bilang Sarah Cruz, masayahin at matulunging anak nina Sunshine Dizon (Noemi) at Carlo Gonzales (Simon). Sa pilot week ngayon, guests ang “Starstruck” alumni na sina Mark Herras, Kris Bernal, Sheena Halili at Mike Tan. Gayun din sina Andrea del Rosario, Jak Roberto, Leandro Baldemor at Vincent Magbanua.

Bagong characters
Si Sheryl Cruz na lang ang kulang para mabuo ang Triplets nila nina Manilyn Reynes at Tina Paner. Pasok ang karakter ni Tina sa “Once Upon a Kiss” bilang Sofia na kaibigan ni Aurora (Manilyn). Pasok din si Ramon Christopher na ex-BF ni Tina. He plays Simon na class instructor ni Aurora. Magkaroon kaya ng love angle kina Tina at Monching sa OUAK?

Dagdag na characters din sina Nicole Dulalia bilang Lily, maarteng classmate ni Ella (Bianca Umali) sa St. Patrick’s Academy na may crush kay Prince (Miguel Tanfelix), Jenny Alvarez bilang Amber, nerd classmate ni Ella at Rosemarie Sarita bilang Aling Betang, may-ari ng canteen na pinagtatrabahuhan ni Aurora.

Mamaya sa OUAK, maa-out of place si Ella sa kanilang school dahil siya lang ang walang tablet na kailangan sa kanilang English class. Muntik na silang magkita ni Prince. Matatamaan si Ella ng basketball ni John (Luigi Revilla). Mapepreskuhan at maaangasan si Ella kay John.

comments