Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Pagpasok ni Carla sa ‘Pari Koy’ may kumokontra

Pagpasok ni Carla sa ‘Pari Koy’ may kumokontra

Matet De Leon

HINDI pa nga pumapasok ang karakter ni Carla Abellana sa “Pari Koy,” nag-react na ang ibang grupo ng fans. Ayaw nila kay Carla at iba na lang daw aktres ang ipasok.

Ang babaw ng dahilan na kesyo, friend daw si Carla ni Heart Evangelista at naging bridesmaid pa sa kasal nito. May conflict pa rin sina Heart at Marian Rivera na misis ni Dingdong Dantes.

Ayon kay direk Maryo J. delos Reyes, hindi magiging love interest ni Dingdong si Carla kapag ipinasok ang karakter ng aktres. Aniya pa, bagay kay Carla ang role at wala siyang nakikitang ibang aktres na maaaring i-level sa Kapuso Primetime King.

By the way, next month na ang pagbabalik sa ere ng “Starstruck” na si Dingdong ang host. Maraming anak ng celebrities ang nag-audition. Isa na ’yung anak ng dating member ng isang sikat na teen group noon at isa naman ’yung anak ng naging controversial matinee idol.

Ayaw nang magkaanak
Three years nang legally married sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel at ani Zoren, much closer, much stable na ang kanilang relasyon. Fourteen years old na ang kambal nilang anak na sina Maverick at Casey at ayon kay Zoren, wala na silang plano ni Carmina na sundan ang mga ito.

“Tama na ’yung kambal namin. Pero kung may ibibigay pa sa amin si Lord, okey lang,” sabi ni Zoren sa get-together cum thanksgiving party nila ni Carmina at Eric Quizon sa showbiz press.

Open sina Zoren at Carmina na mag-showbiz din ang kanilang kambal. Pero ani Zoren, dapat ay priority pa rin ng mga ito ang pag-aaral. “Ang fear ko lang, kapag nag-showbiz sila, maraming pagbabago sa kanila. Maiintriga sila at ’yun ang hindi ko kakayanin. Ayaw rin namin ni Mina na maging stage parents,” saad ni Zoren.

Ano naman ang masasabi niya na may daring scenes si Carmina sa “Bridges of Love”? “Alam niyang ayoko ’yun. Kaya lang, nasa showbiz kami at trabaho lang ’yun. Hindi ko na lang panonoorin,” ani Zoren.

Napapanood naman ang actor sa “Forevermore” with Liza Soberano and Enrique Gil. Puring-puri niya ang mga ito. Aniya, mababait, marespeto at hindi nagrereklamo ang mga ito kahit pagod at puyat na sa taping. “Ako pa nga ang nagrereklamo. Dahil siguro matanda na ako (laughs),” sambit ni Zoren.

Pregnant
Thankful si Matet de Leon sa GMA7 na kahit pregnant siya ay isinama pa rin siya sa cast ng “InstaDad.” Due date niya sa July at baby girl ang isisilang niya. Bale pang-apat na niyang anak ito. ’Yung pangatlo’y lalaki, kaya lang ay namatay ito noong baby pa. Babae ang panganay at pangalawang anak (10 and 8 years old) ni Matet sa non-showbiz husband niya.

Matet plays Gracia in “InstaDad” at aniya, hindi naman siya nahihirapang mag-taping dahil once a week lang ’yun. Every Sunday ang “InstaDad” na mapapanood simula March 22 pagkatapos ng “Sunday All Stars”. Walang network contract si Matet, kaya pwede siyang lumabas kahit saang TV station.

Thankful nga pala si Matet kina Kris Aquino at Boy Abunda na nangakong sasagutin ang magagastos sa throat operation ng kanyang Mama Guy (Nora Aunor). Sana nga raw ay maoperahan na ito the soonest time possible para maibalik na ang golden voice nito.

Ani Matet, okey sila ng kanyang Mama Guy. May constant communication sila. Kahit hindi sila madalas nagkikita, nagte-text at nagtatawagan sila. Sobrang proud si Matet sa kanyang mama Guy na wagi bilang Best Actress sa nakaraang PMPC Stars Awards for Movies para sa pelikulang “Dementia.”

“Wala na ngang space sa rami ng awards niya,” nakangiting sabi ni Matet.

comments