Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Gabby mum on Sid-Alex split

Gabby mum on Sid-Alex split

Gabby Eigenmann

BREAK na nga ba sina Sid Lucero at Alessandra de Rossi? May tsikang diumano’y si Mara Lopez ang dahilan.

Spotted daw sina Sid at Mara na magkasama sa isang bar pagkatapos ng PMPC Star Awards for Movies. Sweet daw ang dalawa, ayon sa source.

Kung totoong break na sina Sid at Alex, less than a year lang tumagal ang kanilang relasyon.

No comment si Gabby Eigenmann nang tanungin siya sa presscon ng “InstaDad” kung break na ba sina Sid at Alex. Ani Gabby, hintayin nalang magsalita ang kanyang brother. Ayaw niyang pangunahan kung anuman ang nangyari sa relasyon nina Sid at Alex.

Mas gusto niyang pag-usapan ang “InstaDad.” Aniya, sobrang thankful siya sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng GMA. He has always been loyal sa Kapuso Network and it’s paying off. Parati siyang binibigyan ng trabaho.

“Ibig sabihin, may pang-treat ako sa pamilya ko. Naipapasyal ko sila abroad,” ani Gabby.

Dalawa ang anak niya sa kanyang non-showbiz wife. May dalawa itong anak sa previous relationship na parang mga tunay na anak na rin ang turing ni Gabby. Teenagers na ang mga ito, 19 at 17 years old. Cool dad siya sa kanyang mga anak, ayon kay Gabby.

By the way, hindi na sa March 22 ang pilot telecast ng “InstaDad.” Naurong ito sa April at abangan nalang ang pahayag ng GMA.

Rachelle Ann Go

Balik-SAS
Balik-“Sunday All Stars” si Rachelle Ann Go at isang special performance ang ipapamalas niya.

Dumating siya kamakailan lang para sa promotion ng music video ng kantang “A Dream is a Wish Your Heart Makes.” Si Rachelle ang napili ng Disney Channel-Asia para awitin ang sariling version para sa “Cinderella.”

Matatapos na ang kontrata niya sa “Miss Saigon” where she plays Gigi VanTranh at aniya, hindi na siya magre-renew.

Abangan naman ang cast ng “Once Upon a Kiss” sa kanilang mall show sa Robinson’s Place (Malolos, Bulacan) mamayang 5 p.m. Makisaya kina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Miggy Jimenez, Sabrina Mann at Betong Sumaya.

comments