Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Albert thanks Liezl for happy home and successful career

Albert thanks Liezl for happy home and successful career

DAMANG-DAMA ang malaking pagmamahal at pagpapahalaga ni Albert Martinez sa namayapa niyang asawang si Liezl Martinez. Sa post ng actor sa kanyang Instagram account, sobrang grateful siya kay Liezl dahil sa pagkakaroon niya ng successful career at happy home life.

Albert Martinez

Heto ang kabuuan ng mensahe ni Albert: “She was my wife, my partner, my best friend. We grew up together. We raised a family together. She was a wonderful mother who devoted her entire life to our children. I have three wonderful kids because of her. She was a supportive wife who stood beside me in every endeavor, big or small. I am grateful to her. I have a successful career and happy home life because of my wife Liezl.”

Pitong taon nakipaglaban si Liezl sa sakit na breast cancer. Bagaman naihanda na ni Albert at ng tatlong anak nilang sina Alyanna, Alfonso at Alyssa ang kanilang kalooban sa pagpanaw ni Liezl, masakit pa ring isipin na wala na siya at hindi na nila makakapiling ito in the flesh.

Plano pa naman sana ni Albert na magpunta sila ni Liezl sa Hawaii this year. Birthday ni Liezl on March 27 at 48 years old na sana siya.

Na-cremate na kahapon, 12 noon, ang mga labi ni Liezl sa Heritage Park, Fort Bonifacio, Taguig City, kung saan ito nakaburol.

Our condolences sa mga naiwan niyang mahal sa buhay.

Gabbi GarciaHindi isyu
Hindi isyu kina Gabbi Garcia at Ash Ortega kung ang ka-love team ngayon ni Gabbi ay si Ruru Madrid. Si Ash ang unang ka-love team ni Ruru sa ilang programang pinagsamahan nila sa GMA7. Off-camera, friends silang tatlo.

Kinakitaan ng chemistry sina Ruru at Gabbi nang pagtambalin sila sa isang teleserye, kaya sila na ngayon ang pinu-push na love team ng Kapuso Network. “Okey lang. Walang problema kung sina Ruru at Gabbi ang pinag-love team ng GMA. Management decision ’yun at wala akong karapatang magreklamo,” ani Ash sa presscon ng “InstaDad” kung saan magkasama sila ni Gabbi.

Magkapatid sila sa naturang weekly series na magsisimula sa April pagkatapos ng “Sunday All Stars.”

Hindi naapektuhan ang friendship ng tatlong Kapuso teen stars at nananatiling solid ang kanilang samahan. Hinahanapan pa ng GMA ng makaka-love team si Ash. Why not Hiro Peralta kaya?

comments