Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Netizens dispute WinWyn’s defeat

Netizens dispute WinWyn’s defeat

MARAMING netizens ang nag-react sa pagkatalo ni WinWyn Marquez (Teresita Ssen Marquez) sa Bb. Pilipinas beauty pageant.

WINWYN MarquezAnila, mas deserving siyang manalo kesa kay Pia Wurtzbach na tinanghal na Bb. Pilipinas-Universe 2015.

Pumasok lang si WinWyn sa Top 15. Tatlong special awards ang napanalunan niya… best in national costume, best in talent at She’s So Jag 2015. Crowd favorite pa naman siya at marami ang nag-akalang may major award siyang masusungkit.

Ang galing-galing ding mag-project ni WinWyn noong rumampa siya on stage. Full of confidence siya at impressive ang sagot niya sa question-and-answer portion.

Try na lang uli si WinWyn next year. Si Pia Wurtzbach (a.k.a. Pia Romero na Kapamilya talent) nga, pangatlong sali na niya sa Bb. Pilipinas this year. Finally, wagi siya. Gayahin na lang kaya ni WinWyn si Pia? Try and try until you succeed.

Dinumog
Dinumog at pinagkaguluhan ng napakaraming fans ang mall show ng “Once Upon a Kiss” cast sa Robinson’s Place Malolos, Bulacan last Sunday (March 15). Umabot sa 4th level ng mall ang kapal ng tao na matiyagang nag-abang, mapanood lang sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Miggy Jimenez, Sabrina Mann, Eunice Lagusad at Betong Sumaya.

Ayon sa Robinson’s Place personnel, 10,000 to 15,000 ang estimated crowd na masasabing isa sa pinakamaraming audience at attendees ng mga nag-show sa kanilang establishment. Natanggal ang barricade sa paligid ng stage.

Bago sila nagpunta sa mall show, nag-date muna sina Miguel at Bianca. Pinanood nila sina Prince at Ella, kamukha ng karakters nila sa OUAK na sina Prince at Ella.

By the way, high school graduation ni Miguel on March 23 sa Cavite School of Life. Isang Starex Gold van ang regalo niya sa kanyang sarili.

Samantala, tutok lang sa mga kaganapan sa OUAK na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA pagkatapos ng “Pari Koy.”

Nagpalit na naman
Nagpalit na naman ng apelyido si Rita de Guzman na gustong makilala ngayon bilang Rita Daniela. Rita Iringan ang unang showbiz name niya. Harinawang this time ay makatulong sa career ng GMA Artist Center talent ang bago niyang showbiz name.

Last week ay pumirma si Rita ng kontrata sa GMA Records para sa dance R&B album niya. Ginanap ang contract-signing sa GMA-7 Employees Multi-Purpose Cooperative GEMPC) building.

Nagkita na
Patuloy na sinusubaybayan ang mga kaganapan sa “Yagit.” Nagkita na uli ang mag-inang Dolores at Elisa. Lumalabas na ang karakters nina Bea Binene at Kiko Estrada bilang Jam at Pipo, mga bagong kaibigang tumutulong sa mag-ina.

Tutok lang sa “Yagit” pagkatapos ng “The Half Sisters” sa GMA Afternoon Prime.

comments
  • Mel

    MAASIM KC MUKHA DI SWEET TINGAN