Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Coco na-intimidate kay Toni

Coco na-intimidate kay Toni

Toni Gonzaga

CONCEPT ni Toni Gonzaga ang “You’re My Boss,” first movie nila together ni Coco Martin under Star Cinema.

Ayon kay Toni, napag-usapan nila ng kapatid niyang si Alex si Coco. Tinanong niya si Alex kung sa tingin ba raw nito’y pwede silang gumawa ng pelikula ni Coco.

“Nag-isip ako ng story na babagay sa amin ni Coco. Noong iprisinta sa kanya ng Star Cinema, agad niyang nagustuhan. Natuwa ako, siyempre. Nasa bucket list ko si Coco na gusto kong makatrabaho,” wika ni Toni noong presscon ng “You’re My Boss.”

Hiya-hiyaan naman ang Kapamilya Primetime Teleserye King kay Toni. Intimidated daw siya dahil baka raw husgahan siya ni Toni kapag nagkamali siya.

“Inisip ko, hindi ako pwedeng magkamali,” ani Coco.

Coco Martin

First rom-com movie niya ito. Anang aktor, take five siya sa mga eksena niya sa sobrang kaba niya. Take one lang siya sa eksenang kinunan ng close-up ang kamay niyang nanginig pa.

“Malawak ang kaalaman ni Toni. Parati niya akong inaalalayan. Magaan siyang katrabaho. Caring sa co-workers niya. Napakasuwerte kong nakatrabaho at nakilala ko siya,” lahad ni Coco.

Showing on April 4 ang YMB.

Alden Richards

Canada-bound
Wala pang bagong teleserye si Alden Richards sa GMA, pero busy-bisihan pa rin siya. Paalis siya this month papuntang Vancouver, Canada para sa 10th anniversary ng GMA Pinoy TV. Magso-show siya roon kasama sina Marian Rivera, Christian Bautista, Betong Sumaya at Jonalyn Viray. Two weeks siya roon, ayon kay Alden nang saglit naming nakatsikahan sa GMA.

Crush ka raw at gustong makatrabaho ni Empress Schuck. “Talaga? Why not? Cool lang naman ’yun dahil hindi pa kami nagkakasama,” nakangiting sabi ng Kapuso Primetime Prince.

Nabanggit ni Alden na by June this year ay matatapos na ang ipinapagawa niyang bahay sa isang exclusive subdivision sa south. ‘Yung bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna ay balak niyang paupahan.

Ayaw niyang ibenta dahil aniya, may sentimental value ’yun. Doon siya lumaki’t nagbinata kasama ang kanyang mommy na namatay bago siya nag-showbiz.

Ayon pa kay Alden, plano niyang mag-business. Pinag-iisipan niya kung real estate, paupahang apartments, franchise ng restaurant o restaurant na sarili niyang recipe ang io-offer.

comments