Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Melissa seeking help from Gabriela

Melissa seeking help from Gabriela

melissa mendez

ANG babaw ng isyung pinag-ugatan ng away nina Melissa Mendez, Andrew Wolff and his friend Rey Pumaran. Dahil lang sa ulap, nagkaroon ng iskandalo sa eroplano ng Cebu Pacific. Sabi ni Melissa, gusto lang niyang kumuha ng pictures ng ulap, kaya umupo muna siya sa naka-assign na seat para kay Rey.

Magkasunod lang ng row ang naka-assign na respective seats for them: Row 1 si Rey, Row 2 si Melissa. Bakit hindi na lang kaya ’yung katabi niya sa upuan ang pinakiusapan ni Melissa, tutal sandali lang siyang makikipagpalit para makakuha siya ng pictures ng ulap? For sure, makakakuha rin siya ng magandang anggulo. Alangan namang ’yung window part lang ng Row 1 ang may view ng ulap.

Itinanggi ni Melissa na lasing siya noong nagwala siya. Aniya pa, wala siyang sinaktang flight attendants. Pero bakit siya lang ang pinababa sa eroplano ng pilot?

Balita pang diumano’y kapag napatunayang may kasalanan si Melissa, posibleng magmulta siya ng R500,000 or makulong from one to three years or both. Ito ang parusa base sa Section 81 (b)9 ng Civil Aviation Authority Act of the Philippines kapag may pasaherong nanakit habang nakasakay sa eroplano o nakialam sa mga gawain ng crew members o flight attendants, hiniya, ininsulto o pinagbantaan ang mga ito.

Dudulog (o dumulog) naman si Melissa sa grupong Gabriela para hingin ang tulong at suporta ng mga ito.

Marian Rivera

Takot
Natatakot si direk Dominic Zapata manakaw ang interest ng mga tao sa panonood ng TV. Pakiramdam daw niya’y unti-unti nang nananakaw ng internet ang atensiyon ng mga tao papalayo sa TV.

Ani direk, hindi siya titigil sa paghahanap ng mga bagong istorya para palawakin ang sakop ng telebisyon. Sa bagong teleserye ng GMA7, “The Rich Man’s Daughter” na pinagbibidahan ni Marian Rivera, kakaiba ang concept nito, ayon kay direk.

Nagte-taping na sila. ‘Yung first taping day, kinunan niya ang heart-warming scene nina Marian at Gloria Romero. Mag-lola ang ginagampanan nilang role at ayon sa mga nakasaksi, bagay na bagay mag-lola ang dalawa. Pareho silang mukhang birhen at parehong mestisahin.

Ayon naman kay Marian, nakaka-relate siya sa kanyang karakter dahil lumaki siya sa kanyang lola. Mahal na mahal at nami-miss niya ito ngayong may asawa na siya.

comments