Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Pamasahe ni anti-PNoy Aunor tungong US sagot pa rin ni Kris

Pamasahe ni anti-PNoy Aunor tungong US sagot pa rin ni Kris

NORA Aunor

PINARANGALAN si Nora Aunor ng Ateneo de Naga University bilang Bulawan na Bikolnon. Ito’y pinakamataas na award na ipinagkakaloob ng naturang unibersidad bilang pagkilala sa mga naging kontribusyon ng isang Bikolano sa promotion and development ng kultura at sining, hindi lamang sa Naga City, kundi sa buong bansa.

Gagawa rin ang superstar ng isang indie film, “Hinulid” na kukunan ang kabuuan sa iba’t ibang lugar sa Bicol. Kapuwa Bikolano ni Nora si Kristian Sendon Cordero ang direktor. Isang OFW ang role ni Nora sa nasabing film.

Kamakailan lang ay sumama si Nora sa rally ng mga migrante, grupo ng mga tagapagtanggol ng mga OFW.

Maigting ang panawagan niyang bumaba na sa puwesto si Pangulong Noynoy Aquino. Nag-iwan ‘yun ng katanungan kung ituloy pa kaya ni Kris Aquino ang pagsagot sa air fare ni Nora para sa throat surgery nito sa Boston, USA.

Tuloy pa rin daw, ayon sa impormasyong nakarating sa amin. Willing pa rin daw tumulong si Kris.

May nakapagsabi sa aming sana raw, matapos mag-pledge si Kris on national TV na sasagutin niya ang air fare ni Nora ay nagpa-book na siya ng airline ticket papuntang Boston, USA. Baka raw hindi na sumama si Nora sa rally ng mga migrante. May ganu’n? O, baka raw, may duda ang superstar sa offer ni Kris? Hindi ba nga’t tinanong pa niya si Kris kung totoo raw ba ’yun?

Miguel Tanfelix grad

Awardee
Bukod sa parents niyang sina Gary at Grace, dumalo rin si Bianca Umali sa graduation rites ni Miguel Tanfelix last Saturday (March 21) sa Cavite School of Life. Tuwang-tuwa ang co-graduates ni Miguel dahil nakita nila in person si Bianca. Pinanonood nila ang “Once Upon a Kiss” at kilig-kiligan sila sa mga sweet moment nina Prince at Ella.

Sa episode mamaya, malalaman na may brain tumor si Ella (Bianca).

Tumanggap ng tatlong awards si Miguel mula sa kanyang alma mater — Outstanding Solician in Performing Arts, Performing Arts Awardee in Theater Arts at Loyalty Award.

Extra sweet
Pinagtsitsismisan diumano sa set ng “Pari Koy” sina Jeric Gonzales at Lindsay de Vera. Ayon sa mga tsismosong ibon, halata raw ang extra sweetness ng dalawang Kapuso young stars.

Nang nakita at nakausap naming si Jeric sa GMA, tinanong naming siya tungkol kay Lindsay. Aniya, nagagandahan siya kay Lindsay. “Mabait siya. Nagtutulungan at nagsusuportahan kami sa mga eksena naming sa ‘Pari Koy.’ Hindi malayong magkagusto ako sa kanya,” sambit ni Jeric.

Abang-abang nalang pag may time. Jeric swears single siya, single rin si Lindsay. They look good together, di ba?

comments
  • Marc Samson

    Nenita Reyes is an OFW in France so she doesn’t know about what’s happening in the Philippines. She is just one internet user that has more to talk and click than to think. Utak talangka kasi yan. Nakapag-abroad lang akala mo kung sino ng mayaman at magaling samantalang dati naman yang call girl sa cebu para matustusan ang pagaaral niya sa USC.

    • Nita

      Alam mo Marc Samson defammation yong sinabi mo, hindi mo ako kilala at saka lahat ng sinabi mo ay hindi totoo, be careful.

  • Agujar Evelyn

    Bwaaaaahahahahaha, ang mga nagbabash sa nagiisan Superstar, ay seguradong walang mga alam sa mga naiiuwing mga karangalan ng The Legend , Icon international Superstar. Hoy mga honghang, gunggong, gising at imulat niyo ang mga mata at tulog niyong utak. For your information. Kailan man hinding hindi tatanggapin ni Ate guy ang offer ng KSTD. Niyo?!!!. At kung pamasahi at pang pa opera, diyos miyo kayangkaya yan ng nagiisang Superstar. At bago kayo magsalita ng walang utang loob si Ate guy. Siguraduhin niyong nagawa na. Hindi yong hindi pa nga nagagawa. Ay magsasalita na kayo kaagad ng walang utang na loob ang The Legend Superstar. Kayo na mismo ang Nagpapatunay sa mga sarili niyong wala o hindi niyo ginagamit ang utak niyong Bulinaw. Lol.