Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Tsika uli: Dingdong tatakbo bilang senador

Tsika uli: Dingdong tatakbo bilang senador

Dingdong Dantes

LUMULUTANG na naman ang tsikang diumano’y kakandidatong senador si Dingdong Dantes sa 2016 national elections.

Maraming beses na itong pinabulaanan ng Kapuso Primetime King. Aniya, wala siyang balak pasukin ang larangan ng pulitika. Pwede naman daw siyang tumulong sa mga nangangailangan in his own little way.

Pati sa misis niyang si Marian Rivera ay marami ang nagtatanong kung kakandidato nga ba ang kanyang mister.

Handa na ba siyang maging politician’s wife? Ngiti lang ang isinasagot ng Kapuso Primetime Queen. Aniya, hindi nila napag-uusapan ni Dingdong ang tungkol sa pulitika. Hindi rin daw niya nakikita ang kanyang sarili na magiging politician’s wife.

Pareho silang busy ni Dingdong sa kanilang respective careers at du’n ang focus nila. Sobrang inspiradong magtrabaho si Dingdong sa “Pari Koy” lalo na’t magagandang feedback ang nakakarating sa kanila. Ang daming values at magagandang aral ang natututunan ng televiewers.

Kapuso pa rin
Kapuso pa rin si Carla Abellana. Nag-renew siya ng another three-year exclusive contract sa GMA7. Inihahanda na ang gagawin niyang bagong teleserye na bukod dito, may gagawin din siyang show para sa News and Public Affairs ng Kapuso Network.

Huwag umasa na si Tom Rodriguez ang makakatambal ni Carla sa bago niyang teleserye. Ibang aktor muna ang makakatrabaho niya. May nakalinya ring project para sa balik-tambalan ng TomCar. Prior sa pagpirma ni Carla ng renewal contract, napabalitang ipapasok siya sa “Pari ‘Koy.”

Si direk Maryo J. delos Reyes ang nagsabing hindi naman magiging love interest ni Dingdong Dantes ang magiging role ni Carla. Abangan na lang kung matutuloy ang pagpasok ni Carla sa “Pari ’Koy.” Hindi pa man kasi’y nag-react na ang ibang grupo ng fans. Tutol sila na ipasok si Carla sa naturang faith-serye.

Bea Binene

Sweet-sweetan daw, o!
What? Sina Kiko Estrada at Bea Binene naman ngayon? Since nag-break sina Bea at Jake Vargas, kung kani-kanino na nali-link si Bea. Na-link siya kay Derrick Monasterio. Pero nabuking na may non-showbiz girlfriend si Derrick, si Yssa Pressman na younger sister ni Yassi Pressman.

Magkasama sina Kiko at Bea sa “Yagit” na ayon sa tsika, sweet-sweetan sila sa taping. Owwwsss? Sa pagkaalam namin, si Kim Rodriguez ang someone special ni Kiko in real life. Kung komportable magkatrabaho sina Kiko at Bea sa “Yagit,” dahil long-time friends sila . Nagkatrabaho na sila sa “Tweenhearts” at “Strawberry Lane.” Anila, working partners lang sila. So, there!

comments