Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Amalia, nanumbat

Amalia, nanumbat

Amalia Fuentes

Birthday today ni Liezl Martinez at 48- years-old na sana siya kung hindi siya namatay last March 14. Over one week pa lang siya na-cremate na naging isyu sa kanyang mommy (Amalia Fuentes). Binalewala raw silang dalawa ni Romeo Vasquez noong cremation ceremony.

Nagpatutsada sa kanyang Instagram account si A

lyanna Martinez, panganay na anak nina Albert Martinez at Liezl.

Bagaman hindi ito nagbanggit ng pangalan, hinala ng karamihang nakabasa ay ang kanyang lola Amalia ang tinukoy ni Alyanna.

Sa Facebook account ni Amalia, binabawi niya ang P2 million na ibinigay niya kay Alyanna. Hindi naman daw sila (Amalia and Romeo) naging bahagi ng kahit anong ceremony.

Pati ang pribadong buhay ni Alyanna ay pinasaringan ng kanyang lola Amalia. Sa loob daw ng tatlong taon ay binigyan ni Alyanna ng sakit ng kalooban ang kanyang mama Liezl nang umalis siya sa kanilang bahay at sumama sa isang lalaki. Isinumbat pa ni Amalia na siya ang nagbayad ng hospital bills nang ipa-nganak ni Liezl si Alyanna.

Mukhang war freak si lola Amalia. Nasa fighting mood. How sad na mag-lola pa naman sila. Iwasan na lang sana ang patutsadahan nila para sa ikatatahimik ng kaluluwa ni Liezl.

Tinuluyan
Kahit nag-sorry na si Melissa Mendez kay Rey Pamaran thru her Instagram account, itinuloy pa rin ng huli ang demanda laban sa aktres. Naghain si Pamaran ng reklamong slander by deed at humihingi siya ng R3 million. Hindi raw kasi inamin ni Melissa ang buong pangyayari, kahit nag-sorry pa ito. Matulungan kaya ng Gabriela si Melissa sa kasong kinakaharap niya? Gusto rin ni Pamaran mag-public apology on national TV si Melissa.

Kung tama ang pagkatanda namin, dahil sa juicing effect kaya “nagwala” noon sa isang bar si Anne Curtis. Nag-diet juicing din noon si Anne. Si Melissa, itinanggi niyang lasing siya. Diet juice lang daw ang ininom niya. Iba pala ang “tama” nito sa taong nakainom.

Just wondering, bakit wala ni isa sa mga kasamang babae ni Melissa sa flight nila papuntang Pagadian City ay ayaw magsalita para ipagtanggol siya? Sabi ni Malu Barry, ayaw niyang magsinungaling. Oh, well!

Bantay-sarado
Mamaya sa “Once Upon A Kiss,” bantay-sarado si Prince kay Ella dahil may sakitito. Todo-kayod sa pagtatrabaho si Aurora para makaipon sa gagawing operasyon kay Ella.

Bibilhin ni Eric ang lupa ng mga Servando para makatulong. Sa kanilang PE class, maglalaro ng volleyball si Ella. Mamamanhid ang katawan niya.

Anniversay
Gaganapin bukas ang 41st anniversary ng Mowelfund (Movie Workers Welfare Foundation) sa Mowelfund Plaza, Rosario Drive, Quezon City. From 1 to 5 p.m. ang affair na magkakaroon ng free clinic, raffle, at giveaways. Sa mga Mowelfund members, dalhin ang inyong ID.

comments